Chapter 18

1.5K 36 0
                                        

Rowana's POV

Kunot noo lang ako habang nakatingin sa matandang babae na panay ang haplos sa buhok at pisngi ko. She sound and feel familiar to me but I don't know when did I heard her voice and saw her face. Even her touches are familiar.

"Who... who are you?" I managed to asked after overthinking.

Natigilan ang matanda. "Si Lola 'to,hija." Muli ay hinaplos niya ang buhok at pisngi ko. "Akala ko patay ka na." maluha-luha niyang sabi. "Halos masira na ang mukha mo nang makita ang bangkay mo sa aksidente ah? Pero bakit,ito,buhay ka? Paanong nabuhay ka?" tanong niya at halatang naguguluhan.

Miski ako ay naguguluhan dahil hindi ko kilala ang matandang babae.

"Ahm,excuse me po,ma'am." sumingit sa usapan si Sargent at kinuha ang atensyon ng matandang babae.

Kunot noong nilingon siya ng matandang babae. "Sino ka?" Tanong niya.

"I'm Sargent Francisco,ma'am. Ano pong pangalan nila?" pagpapakilala ni Sargent.

"Ako si Constancia Dela Vega." taas noong sagot naman ng matandang babae.

Napalingon ako kay Sargent nang makita itong nag-iisip. "Dela Vega... Dela Vega..." paulit-ulit na banggit niya sa apelyido ng matanda habang nag-iisip. Biglang nanlaki ang mga mata niya at tiningnan ako. "That's your middle name."

My mouth opened but I don't know what to say. Wala akong maintindihan eh at wala akong alam. But at least,I found a small information about myself.

Nilingon uli ni Sargent ang matandang babae na nagngangalang,Constancia. "Anak niyo ho ba si Leah Rowena Vidallon?"

Mabilis na tumango ang matandang babae. "Oo."

"Kung ganun," nilingon uli ako ni Sargent. "Lola mo nga siya."

Napalingon kami sa dalawang lalaking naka-itim na lumapit sa tabi ng matandang babae. "Ma'am,tumawag po sa akin si Madam Reah. Umuwi na daw ho tayo dahil nag-aalala na daw po siya." dinig naming sabi ng isa sa mga lalaking naka-itim.

Bumuntong hininga ang matandang babae at nginitian ako. "Hija," kinuha niya ang pitaka niya at may binigay na maliit na card sa akin. "Call me, immediately. Gusto kitang makausap at gusto kitang dalhin sa mansyon ko para makita ka ng mga tita mo. At para makita ka rin ng mga magulang ng daddy mo. Sana pumunta ka." I can see that the old woman was hoping. "See you." paalam niya at sumama na sa mga lalaking naka-itim.

Napatingin ako sa hawak kong na maliit na card. May phone number iyon at telephone number. At sa likod ay may nakalagay na la Constancia.

Kumunot ang noo ko at hinarap si Sargent. "Is this a name of a popular brand of women's perfume?" tanong ko sa kanya.

Kinuha niya ang card at tumango-tango. "Yes. My mother is one of their company's investors."

Pinagmasdan ko ang maliit na card.

Another person that's connected to my past appeared. And I don't have any clues who was the old woman. But I can sense our connection to each other.

"You should contact her,maybe,often. She will be a big help for you too. Pati na rin yung mga tita mo,makakatulong sila sa'yo. Tapos malay mo,nandoon yung mga pinsan mo at magkwento sila tungkol sa childhood memories niyo. It's a big help but... Please," nag-angat ako ng tingin kay Sargent—may pag-aalala sa mga mata niya. "Huwag mong biglain ang utak mo baka mapano ka."

I frowned. "You're not coming... with me?" I asked.

He confusedly looked at me. "They're your family and I'm... not a part of the family picture."

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon