Chapter 5

2K 40 1
                                    

Rowana's POV

Hindi naman ganoon karami ang nainom ko pero nahihilo na ako kaagad. Si Clyde naman at ang mga barkada niya ay nagkukwentuhan pa rin at nagtatawanan. Ngunit nitong lumipas na mga minuto,may mga babae ng katabi ang mga barkada ng niya. I think,mga babae sila dito sa nightclub.

At paminsan-minsan,may waitress na lumalapit sa table namin. Pasimple niyang hinihimas ang braso ni Clyde at nang-aakit na tiningnan siya sa tuwing mag-s-serve ng order namin. Minsan naman nakikita ko sa gilid namin ang waitress,inaabot ng pang-upo niya ang kamay ng nobyo ko at hinihimas naman ng loko.

Hindi ko alam kung may tama na ako o wala,kasi minsan iniignora lang nung waitress si Clyde.

Tinapik ko ang hita ni Clyde para kunin ang atensyon niya. Nilingon naman niya ako. "What's wrong? Hmm?" tanong niya at kinuha ang kamay ko para halikan ang likod nito.

"Magba-banyo lang ako." paalam ko sa kanya.

"Hmm?" umangat ang mga halik niya sa labi ko at ninamnam iyon.

Parang blangkong papel ang halik niya. Tinutugon ko naman pero parang wala lang. Parang matabang na matabang na pagkain.

Marahan ko siyang tinulak. "Clyde,magba-banyo lang ako. I'll be back."

"Ok,ok."

Inalalayan niya akong tumayo. Nang makatayo ako,marahan niyang tinampal ang pang-upo ko na ikinasinghap ko. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya ngunit kinindatan niya lang ako habang mahinang tumatawa.

Iiling-iling na naglakad ako paalis sa table na iyon at pumasok sa restroom ng nightclub. Pumasok ako sa isang cubicle para umihi at nang matapos ay naghugas ako ng kamay sa sink. Pagkatapos, lumabas na ako.

Nilingon ko ang table namin na may ngiti na agad rin namang nag-laho na parang bula dahil sa bumungad sa akin.

The waitress who kept on seducing my boyfriend is now grinding on top of Clyde while they're making out. Pero ang mas malala,nag-lalampungan na pala ang dalawa sa couch na kaninang inuupuan naming magkasintahan.

Mariing pumikit akong at muling pumasok sa restroom. Humarap ako sa isang salamin at kumuha ng maraming tissue paper sa tabi ng sink. May nilabas akong cleanser sa sling bag ko at nilagyan ang tissue.

Akala ko pa naman sa akin lang siya nagagandahan. Yun pala,sa ibang babaeng halos nakahubad na.

Bullshit.

Mabilis na tinanggal ko ang make up sa mukha ko at tinanggal ko rin ang pagkaka-braid ng buhok ko. Nang mawala na ang mala-diyosa ko daw na itsura, lumabas ako ng restroom.

Wala sa sariling napatingin ako sa table kung saan naroon si Clyde at ang mga kaibigan niya. Nagkukwentuhan na ang mga ito at nagtatawanan. Ngunit kasama pa rin niya ang waitress na umakit sa kanya.

I rolled my eyes.

Sinasabi ko na nga ba eh. Kapag wala na ako sa tabi niya,lalapit na yung waitress at lalandiin siya.

Pwes,mag-sama sila!

Lakad-takbong lumabas ako ng nightclub. Tinanggal ko ang stilettos ko para makatakbo ako papalayo sa mahalay na lugar na iyon na may pinaghalong amoy na alak at sigarilyo.

Kaya hindi ako nagpupunta sa mga lugar na ganun eh. Masyadong nag-iinit ang mga tao doon at ang baho pa.

Nang makarating sa labas ng nightclub,napatigil ako sa tabi ng kalsada sa harap lang ng nightclub. Halos wala na kasing taxi man lang na dumadaan eh.

Napatingin ako sa wristwatch ko at napailing nang makitang madaling-araw na pala. Kaya pala kaunti na lang ang mga sasakyan na dumadaan sa kalsada.

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon