A/N: yung image na nasa itaas ay canopy ang tawag. Yan yung ginawa ni Sargent sa Chapter 15 sa tabi ng pool ng bahay niya. It's a girl thing at katulad ng sinabi niya sa Chapter 15,galing kay Xyrille yung canopy. Hindi ko pa siya nasi-search noong sinulat ko yung Chapter 15. Ngayon ko lang nalaman na canopy pala tawag doon 😂
Enjoy reading!
Rowana's POV
Nakangiting tinanguan ko si Wade—ang current CEO ng Vidallon's Group of Companies—nang tanungin niya ako kung nagustuhan ko ang gagawing new products ng kumpanya.
Wade Nicolas is my father's godson. He's young and has the looks that every girls are looking for. Matalinong lalaki at puno ng confidence. Medyo pilyo at mahilig magpakita ng mga charms niya. May lahing Italyano ang lolo niya at sa Italy rin nag-aral at lumaki. Pero diretso ang dila sa pananagalog at ingles.
"I'm so glad that you love the new product. The making will start next month. But ahm... gusto mo bang mangialam sa takbo ng kumpanya? Do you want to change everything that I made?" ulit na naman niya sa tanong na kanina pa niya tinatanong.
I decided to get the company from my grandmother's—Lola Rosas'—hands but never change anything. I can tell that the group of company was doing great while I was gone. Maraming mga projects ng kumpanya ang naging successful at never nagpababa sa expectation ni Wade. He really is a good leader and a genius.
He even boast that the 70% features of every products was his own creation. Madalas daw kasi na sa kanya galing ang main ideas ng mga produkto na naging successful.
Well,dad chose the right person to sit on the CEO'S chair.
"I'll just sit back and watch how you can make the company run and arrived on the goals that you're focusing to." I said. "And like what I said earlier,I'll never change what you did to the company because I can tell that you did great. So,more success to us Mr. Nicolas." I beamed at him.
Wade chuckled. "I'll make you more proud,Ms. Vidallon."
"I know you will. Thanks for the talk and for the time. I know you're busy on planning the new products."
"It's okay. It's worth it. And thank you too because you decided to take the VGC."
"No problem."
Sabay kaming tumayo nang magsimula ng magpaalam si Wade. Hinatid ko pa siya hanggang sa makarating siya sa kotse niya sa labas ng gate. Muli siyang nagpaalam at umalis na.
I deeply breathe while my grin is still on my lips. I can't believe that I already have the VGC in my hands. I'm hoping that it will not burden my time with my family,mostly,with Sargent—now that everything's good.
Wow! What a change!
Kahapon lang,matapos naming magpunta sa sementeryo kung saan nakalibing ang mga magulang ko,sinabihan ako ni Lola Constancia ko na sa mansyon na niya manirahan. I immediately said 'yes' because I missed my Lolas. Nitong umaga lang,sinimulan na nila ang pag-i-spoil sa akin.
Nag-stay pa nga sa mansyon ni Lola Constancia si Lola Rosas para lang gawan ako ng agahan. Si Lola Constancia naman ay nagpasikat sa akin sa tanghalian sa pamamagitan ng pagluluto ng specialty niyang Menudo. Na-miss ko ang paglalambing sa akin ng mga Lola ko. Feeling ko bata ako uli na palaging inaasikaso ng mga Lola ko sa tuwing busy ang mga magulang ko.
Pero alam nila na malaki na ako at someday,hihiwalay na ako sa kanila para bumuo ng sarili kong pamilya.
Grabe. I'm almost thirty. Ilang taon na lang. Sana maabutan pa nila Lola ang mga apo nila sa tuhod. Siguradong mai-spoil ang mga future kids ko sa kanila.

BINABASA MO ANG
Once Again
Narrativa generaleRowana De Leon. A 27 years old woman who loves to work and read books. Thinking that she might disappoint her parents again,she became a perfectionist in everything. She became a disappointment once and she experienced hell on the hands of her paren...