Rowana's POV
I immediately go to my Lola Rosas who's in my Lola Constancia's mansion this afternoon. Nakita ko ang dalawa kong Lola sa likod ng mansyon na nagkakape at nagkukwentuhan sa lilim ng malaking payong sa tabi ng mga halamanan. Agad na nilapitan ko sila.
“Hija.” tawag sa akin ni Lola Constancia nang makita ako. Nagmano ako sa kanya at kay Lola Rosas na busy sa pagkain ng tinapay niya. “How’s your meeting with Wade and the board members?” pagkumusta niya sa akin.
Nginitian ko sila. “Okay naman po. Pero… may gusto po sana akong itanong kay Lola Rosas na baka masagot niya.”
Tiningnan ako ni Lola Rosas. “What is it,hija?” tanong niya.
“Ahm…” kinuha ko ang tatlong susi sa bulsa ng suot kong pants at pinakita ang mga ito sa mga Lola ko. “Alam niyo po ba kung para saan ito? Wade gave me this.”
“Oh.” ibinaba ni Lola Rosas ang tinapay na hawak niya at kinuha ang susi na hawak ko. “Rowana,this is the key that your father showed me. He said,it's the keys of Isla de Leah.”
“What's Isla de Leah,Lola? Sounds like mom.”
“It is your mom! But unfortunately,Rowena is the kind of girl who hates expensive things. Simpleng babae lang siya kaya gusto ko siya eh. Kaya hindi tinanggap ng Mommy mo.”
“Oh.” I frowned. “I guess,we're a little… different.”
My Lola Constancia chuckled. “Kung ganun mahihilig ka sa mamahaling mga bagay?”
“Well,as long as that person gave me that. Nakakahiya namang tumanggi. Mamaya,pinag-ipunan niya pala para lang sa akin.” paliwanag ko kay Lola.
“Hija,” nilingon ko si Lola Rosas. “Try to visit the island. It's been a long time since I saw that beautiful island.”
“Malaki po ba yung isla?”
“Hindi naman.”
“Paano po nabili na Daddy yun?”
Umirap siya at bumuntong hininga. Mukhang iritado si Lola Rosas. “Hindi Daddy mo ang bumili ng isla na iyon. Galing iyon sa lolo mo,regalo niya sa akin. Kaso wala naman akong nagawa sa isla kaya niregalo ko na lang sa Daddy mo noong grumaduate siya ng college.”
Tumango-tango ako. “Gusto niyo po bang sumama sa isla,mga Lola?” tanong ko sa kanila.
“Oh,hija.” hinawakan ako sa braso ni Lola Constancia. “Si Sargent na lang ang isama mo para ma-solo niyo ang isa't isa.” aniya.
“Eh,ikaw,Lola Rosas?” tanong ko pa sa isa ko pang Lola.
“I'm fine,hija. Gawin mo na lang yung sinabi sa'yo ng Lola Constancia mo. Make babies! Gusto naming maabutan yung mga apo namin sa tuhod! Sige naman na! Nami-miss ko ng magkaroon ng mga bata.” sagot niya sa akin na ikinaawang ng mga labi ko.
“Lola,babies talaga? Hindi ba pwedeng isa lang muna?” hindi makapaniwala kong tanong. Hindi naman kasi ako baboy para mag-anak ng dalawa kaagad. Well,kung papalarin ako at magiging twins ang anak namin ni Sargent,eh di okay!
But we're not married yet!
“Hay,naku! Ang tatanda niyo na! At kami rin! Kaya mag-anak na kaagad kayo.” ani sa akin ni Lola Constancia.
Iiling-iling na iniwan ko ang mga Lola ko. Narinig ko pa ang bungisngis ng dalawa kong Lola habang papasok ng mansyon. Nagpunta ako ng sala at naupo sa pang-isahang sofa roon,naisip ko tuloy ang mga sinabi nila Lola.
Tama ang mga sila. Matatanda na rin kami ni Sargent. Pero kailan naman kaya plano ni Sargent na pakasalan ako? Wala pa akong nakikitang mga hint na may pinaplano si Sargent eh. Atsaka magiging busy rin siya sa darating pang mga araw.
BINABASA MO ANG
Once Again
General FictionRowana De Leon. A 27 years old woman who loves to work and read books. Thinking that she might disappoint her parents again,she became a perfectionist in everything. She became a disappointment once and she experienced hell on the hands of her paren...