Chapter 29

2.3K 46 0
                                        

Rowana's POV

Kinabukasan,napagpasyahan ko na pumunta sa probinsya kung nasaan ang isla kasama si Sargent at Ivan. Ginamit namin ang private jet ni Sargent para makarating sa probinsya na malayo sa Maynila.

Nang makalapag ang private jet ni Sargent,bumaba na kami at pumasok ng airport. Sandali munang nagpaiwan si Sargent sa private jet niya dahil kakausapin niya daw ang piloto.

Nagpunta muna kami ni Ivan sa isang Café at kumain. Lampas tanghali na hindi pa kami nakakakain ng tanghalian.

“What do you want,Ms. Rowana?” pormal na tanong sa akin ni Ivan habang nakatayo sa tabi ng table namin.

Tiningnan ko ang menu ng Café na nakasulat sa nakatayong chalkboard. “I want rolled ice cream,yung cookies and cream—”

“Ms. Rowana,hindi ka pa kumakain ng tanghalian.” paalala niya.

I sighed. “Fine. Dalawang fluffy pancakes din with chocolate syrup. Tapos yung drink ko,choco—”

“Orange juice na lang.”

Napasimangot ako kay Ivan. “Why?”

“Para ma-refresh ka. Haggard ka na.”

Mahina akong natawa sa sinabi niya at nagpaalam na pupunta lang ng restroom. Nang makapasok sa restroom,kinuha ko ang hairbrush na dala at inayos ang maikling buhok. Nakita kong nagsitayuan na ang mga maliliit na buhok sa ulo ko kaya binasa ko iyon ng tubig at sinuklay ulit. I brushed my hair until it looked fine to me.

Lumabas ako ng restroom at nakitang nasa table na namin si Sargent,si Ivan naman ay nasa counter na at umo-order.

Naupo ako sa katabing upuan niya. “What did you talk about with your hired pilot?” I asked.

“I told him to fly back the jet to Manila. I'll just contact him when we need to go back there.” he replied.

“Bakit pala,ayaw mo sa public planes? Is something traumatic happened to you?” taka kong tanong.

Umiling si Sargent. “Wala naman. I'm just thinking about your safety. Kasi hindi pa nakukulong ngayon si Felicia De Leon. Ilang araw pa bago ang libing ni Ernesto.”

Tumango-tango ako. “You have a point—”

Napatigil ako nang makarinig ng sumipol. Parehas kaming napatingin sa counter kung nasaan si Ivan. Sinenyasan niya si Sargent na lumapit. Agad naman siyang pumunta at tumulong sa pagdala ng mga order naming pagkain.

Natakam agad ako nang makita ang fluffy pancakes na may chocolate syrup sa ibabaw. Inilagay ng dalawa sa ibabaw ng table namin ang mga kakainin at nagsimula na akong kumain.

“The caretaker sent me a message saying that the vacation house is already clean and spotless.” balita ni Ivan sa akin nang makaupo siya at nagsimula ng kumain.

“Hmm… do you know how this island looks?” I curiously asked him. I've been thinking about it. Baka kasi doon ko mapag-isipan na doon kami ni Sargent mag-honeymoon pagkatapos ng kasal. I heard from Lola Rosas that the island is so romantic.

Umiling si Ivan. “I've never been there. Atsaka,sa tingin ko,wala pa ako nang bilhin ng Daddy mo ang isla na yun. Siguro bagong kasal o… hindi? Wala akong alam.” kumibit balikat siya at ipinagpatuloy ang pagkain.

“Sa bagay,halos magkasing-edad lang naman kayo ni Sargent.” aniya.

“Maybe,four lots?” hula ni Sargent. “I mean,yung lot na kung saan nakatayo ang bahay ng Lola Constancia mo.”

“Pwede naman.” sabi ko habang tumatango.

“Or maybe,eight Lola Constancia's lots or... more?” hula naman ni Ivan

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon