Sargent's POV
I opened my eyes and stretched my body. I loudly yawned and wiped my eyes.
Nilingon ko si Rowana na umagang-umaga nakangiti. Napangiti rin tuloy ako.
Nilingon naman niya ako at nginitian. "Good morning,Sarge." bati niya sa akin.
Akmang babatiin ko rin siya nang may matandang babaeng sumingit sa batian bamin. "Oh,good morning,hijo." napa-angat ako ng tingin sa kanya.
I frowned as I looked at the old woman that we met on a bookstore. "Papaano po kayo nakapunta dito?" taka kong tanong.
Nginitian ako ng matandang babae. "My butler stalked the two of you and I heard what happened. I was relieved when I got the news that my granddaughter is alive." paliwanag niya.
Kumunot ang noo ko. "Sinong but—" natigilan ako nang bumukas ang pintuan ng kwarto at may lalaking naka-suit ang pumasok. May dala siyang mga tupperware at isang kaldero sa mga tote bags. May guwantes pa siya na akala mo eh galing sa isang palasyo sa Europe.
"Madame,I already have the foods." pormal na sabi niya kay Lola Constancia. Ngayon ko lang naalala ang pangalan ni Lola.
"O,siya,kumain na tayo." anunsyo ni Lola.
May pumasok uli sa kwarto ni Rowana ngunit mga lalaki naman silang naka-itim na suit. Ibinuka ng isa sa mga men in black ang foldable table na dala niya sa harap ng sofa at may isa namang naglagay ng mga paper plates sa ibabaw ng lamesa. Inilagay na ng hinuha ko ay butler ni Lola Constancia ang mga tupperware at isang kaldero sa ibabaw rin ng lamesa. Naglagay pa siya ng malilinis na mga kubyertos,mga baso at dalawang pitsel ng tubig. Tapos may inilabas pa siyang tatlong in-can pineapple juice.
Napatingin ako sa mga ulam nang buksan niya ang mga tupperware. Grabe yung amoy,nananakam ako sa sarap. And it's because it's so quiet,they all looked at me when my stomach growled loudly.
Shit! Nahihiyang ngumiti ako.
Si Rowana naman ay tinawanan lang ako.
Tumayo ako sa kinahihigaan at nilapitan siya para alalayan na makapunta sa sofa upang makaupo. Nagsimula kaming kumain lahat nang naging okay na ang posisyon ni Rowana.
Binuksan ng butler ang kaldero. Kinuha ko naman ang sandok para sa kanin at nilagyan ang paper plate ni Rowana.
"Ang dami naman." sabi ni Rowana sa akin.
"Syempre,kailangan mong makabawi ng lakas noh." nilagyan ko pa ng mga ulam ang paper plate niya at nilagyan ng tubig ang baso sa tabi ng paper plate niya. I beamed at her and put strands of her hair behind her ears. "Kain ka na."
Iiling-iling na tumatawa si Rowana at kumain na.
Nilagyan ko na rin ng maraming kanin at mga ulam ang paper plate ko para makabawi rin ako ng lakas. Nag-bigay ako noong isang gabi ng dugo at hindi pa ganun ka-healthy ang mga kinain ko habang naghihintay na magising si Rowana.
Nag-angat ako ng tingin kay Lola Constancia nang matapos lagyan ng ulam ang sariling paper plate. "Thank you po." nginitian ko siya.
The old woman grinned at me. "You're welcome,hijo. Kumain ka na."
"Kayo rin po."
Matapos naming mag-agahan,pumunta muna ako sa kapatid ko na nasa kabilang kwarto lang. Nakita kong nag-aagahan palang ang dalawa kasama ang mga kaibigan namin.
"Man,kain?" aya ni Levi.
Umiling ako. "Busog na ko. Ang daming dalang ulam ng lola ni Rowana eh."
![](https://img.wattpad.com/cover/149806615-288-k829773.jpg)
BINABASA MO ANG
Once Again
Fiksi UmumRowana De Leon. A 27 years old woman who loves to work and read books. Thinking that she might disappoint her parents again,she became a perfectionist in everything. She became a disappointment once and she experienced hell on the hands of her paren...