Chapter 6

2.1K 49 1
                                    

Sargent's POV

My face contorted when I felt my head ached as I opened my eyes.

Argh! Fuck!

Sobrang dami ba ng nainom ko? Medyo wala na kong maalala kagabi. Yung pag-interrogate na lang sa akin ng mga kaibigan ko at kapatid ko ang naaalala ko.

Hinilamos ko ang mukha ko at napatingin sa katawan ko. Napakunot ako ng noo.

Bakit naka-boxer lang ako?

Napatingin ako sa ibabaw ng sofa kung saan nandoon ang mga damit ko at makatipid na. At—

I sniffed.

Bakit amoy bacon? Teka,may tao ba sa bahay ko? Baka si Xiron lang?

Mabilis na tumayo ako at kinuha ang baseball bat sa ilalim ng kama ko. Walang ingay na nag-lakad ako palabas ng kwarto ko. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdanan at sinusundan ko lang ang amoy hanggang sa makarating ako sa pinto ng kusina.

I can hear a music playing and someone who's humming. And the voice sounds like a woman's. Mabilis na tiningnan ko kung sino ang nasa loob.

I froze.

The hell! Nananaginip ba ko?!

Nakatingin ako ngayon sa babaeng nagluluto ng bacon. Kumekembot ang puwitan niya paminsan-minsan at nakikisabay rin ang boses sa kanta.

Nang matapos siyang magluto ng bacon,umikot siya pakaliwa dahilan para makita ko ang mukha niya.

Sabi ko na nga ba!

"Rowan?" tawag ko sa atensyon niya.

Unti-unti siyang nag-angat ng tingin sa akin. Nang mag-tama ang aming mga mata,agad siyang umiwas ng tingin at inabala ang sarili sa pag-aayos ng kung ano-ano.

Itinabi ko muna ang hawak na baseball bat sa tabi ng pinto. Naglakad ako palapit sa kinaroroonan ni Rowana—ang babaeng dahilan kung bakit ako uminom ng marami kagabi. Sa sobrang selos ko dahil sa boyfriend niya ngayon.

Speaking of the devil, "bakit ka nandito? Baka hanapin ka pa ng boyfriend mo at ako pag-initan."

Tumigil siya sa ginagawa at hinarap ako.

Nangunot ang noo ko nang makita ang namamaga niyang mga mata. "Ba... Di... You cried?" taka kong tanong.

Huminga siya ng malalim. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang pasimple niyang paghawak ng mahigpit sa laylayan ng suot niyang malaking white shirt. At pilit siyang ngumiti.

"Yeah pero ok na ko." I can sense her,lying.

Nilapitan ko at matamang tiningnan. "Why?"

Nagbaba siya ng tingin. "It's a personal thing and I don't wanna talk about it." sabi niya sa mahinang boses.

I can feel that there's something off. Pero hindi ko malaman kung ano. So,I decided to never mention it.

"By the way,paano ka napunta dito?" kapagkuwang tanong ko sa kanya.

Nag-angat na siya ng tingin. "Ahm... Sumama ako sa inyo pauwi. Ang dapat nga eh, magpapahatid ako. Kaso lasing na lasing ka na nang makita kitang kasama yung mga kaibigan mo at stepbrother mo. Atsaka mukhang antok na antok na rin sila dahil sa alak. That's why I suggested myself to drive your car for all of you. Hinatid ko muna yung mga kaibigan mo. Tapos nang makarating dito sa bahay mo,sinabihan ako ng stepbrother mo na asikasuhin ka dahil antok na antok na daw talaga siya. Madaling araw na nga ako nakatulog eh. Kasi inasikaso pa kita." kwento niya habang may ngiti sa mga labi.

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon