Rowana's POV
Napailing-iling ako habang tinitingnan si Sargent na kumakain at napapangiwi. Kaming tatlo lang ang nasa hapag-kainan kasama si Ivan. Nagalit kasi si lola Constancia at lola Rosas sa dalawang ito. Paano ba naman kasi,nagsuntukan sa sala na parang sila lang ang naroroon. At bakit kasabay ko ang dalawa na 'to ngayon kumain? Dahil nilinis ko pa kasi ang mga putok nilang mga labi.
Nilinaw ko na kay Sargent ang lahat pero pinagsususpetsahan pa rin niya si Ivan.
Well,he is suspicious.
Wala nga akong alam kung anong totoong trabaho niya maliban sa pagiging butler ng buong pamilya namin. Tapos may kaibigan pa siyang ex-convict na babae at sinabi niyang 'toy' daw niya si Paris.
Weird.
"Uuwi ka ba?" kapagkuwang tanong ko kay Sargent na panay ang tingin ng masama kay Ivan. Si Ivan naman ay parang walang mga kasama at tuloy lang ang pagkain.
"Nope. Mom let me stay with you." sagot niya pero medyo iritado pa ata siya.
Mahina akong natawa. "Mama's boy ka ba? Kasi pansin ko lahat ng ginagawa mo kailangan pinapaalam mo sa mama mo." nanunuksong tanong ko.
Napatingin kami kay Ivan na natawa sa sinabi ko. Mukhang nakikinig siya sa usapan namin.
Sumama naman ang timpla ng mukha ni Sargent. "I'm fucking not."
Napatigil akk nang magmura siya. "Nasa hapag-kainan tayo,bawal ang nagmumura." pinanlakihan ko siya ng mga mata.
Agad din naman siyang napatiklop. He looked at me with puppy eyes while pouting. "Sorry na,baby girl."
Narinig na naman baming tumawa si Ivan. But this time,it's louder than the first one. "Under." he muttered but we heard him.
Kaya naman nanlisik uli ang mga mata ni Sargent sa kanya. "At least,I'm loyal." nanggigigil niyang sagot.
Ngumisi si Ivan. He snickered. "Loyal? Hindi na uso yun noh."
I frowned. "Oh really?" taas ang mga kilay na tanong ko sa kanya.
He gave them a grin. "Yup. Being loyal isn't my forté. And I love girls—all of them—a lot."
Tinaasan ko siya ng kilay. "I hope you're not bringing your 'toys' in my Lola's house. Kasi ako mismo dudurog ng kaligayahan mo." I emphasized the word 'toys'.
Malalaki ang mga matang tiningnan ako ng dalawa.
Sargent grimaced. "That's psychotic,baby girl." komento niya. "And... disgusting." he added as he shivered. Maybe he's imagining what I said.
"You know,I did that before," nanlaki ang mga mata namin at nag-angat ng tingin kay Ivan. "And it was probably the most disgusting thing I've ever done. Tuwang-tuwa naman yung partner kong babae. Kasi yun yung lalaking nanloko sa kanya eh. Kaya ayun,napuruhan. Dapat pagbabantaan lang namin kasi tatanungin pa namin ng mga 'bagay-bagay' kaso nadala ng damdamin yung partner ko eh. Kaya ayun,namatay yung lalaking niloko siya." kwento ni Ivan.
Ahm... Okay? The moment is awkward and they felt disgust with his short story.
Ano bang pinagsasabi niya? "Yun yung trabaho mo? Ang pumatay?" nakangiwi kong tanong.
He shrugged and stand up from his seat. Niligpit na niya ang mga wala ng laman na mga plato namin. "For good reasons and bundles of money." none of what he said answered my questions. But that gave me a clue.
"Murderer ka?" kunot noong tanong ni Sargent. Mukhang nai-intriga na rin siya kay Ivan.
Tumigil sa pagliligpit si Ivan at taas ang mga kilay na tiningnan si Sargent. Then suddenly,it's like death-in-person who's looking at Sargent. Because Ivan's eyes shifts to emotionless from a funny guy. "If I am,you'll be dead by now. But actually,I'm not." paliwanag niya. Bumuntong hininga siya at kinuha ang mga plato. Pumasok siya ng kusina at narinig namin ang pagragasa ng tubig mula sa gripo roon.
BINABASA MO ANG
Once Again
General FictionRowana De Leon. A 27 years old woman who loves to work and read books. Thinking that she might disappoint her parents again,she became a perfectionist in everything. She became a disappointment once and she experienced hell on the hands of her paren...