Chapter 12

1.8K 50 1
                                        

Rowana's POV

I feel so happy right now. Para akong nasa paraiso habang nagla-lunch kami ni Sargent sa rooftop ng isang restaurant malapit sa dagat. Sinamahan pa ng masasarap na mga pagkain at masarap na simoy ng hangin.

"Rowan?" tawag pansin niya sa akin. Nilingon ko siya at nginitian. "Ahm... Can you rate your... happiness right now?" tanong niya.

I smiled. "101% of happiness! Eh,ikaw?"

"Same. Pero sa tingin ko,mas higit pa sa 101% ang nararamdaman ko ngayon. I think, it's above than the heaven. Lalo na't kasama pa kita ngayon." with his answer,my heart beat repeatedly in my rib cage. Katulad kanina bago kami umalis.

I don't know if I'll be happy or... not. Para kasing may mali akong nararamdaman sa tuwing tumitibok ng mabilis ang puso ko eh. Parang may bumubulong sa akin na huwag maramdaman iyon.

"Rowan? Rowan."

Natigil ang pag-iisip ko nang marinig ang boses ni Sargent. Paulit-ulit na kumurap ako. "Ahm... Yes?"

"Ok ka lang?" kunot noo niyang tanong.

Saglit pa akong nag-isip ngunit kalaunan ay tumango din ako. Kaso parang lutang pa rin ang isip ko. Hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko eh. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko.

Naging tahimik na kami nang matapos ang huling pagkain ng dessert. Panay pa rin ang lipad ng isip ko.

Kakaiba kasi itong pakiramdam na ito sa akin eh.

Parang may mali.

"Hey." tawag na naman ni Sargent sa akin. "You've been quiet after we ate. Is there something wrong? May hindi ka ba nagustuhan sa luto? Is something tastes bland or something?" marami niyang tanong.

I smiled and shook my head. "Everything they served was good and delicious. May... bumabagabag lang talaga sa akin." pag-amin ko.

Kumunot ang noo ni Sargent. "What is it? Baka makatulong ako."

Mataman ko siyang tiningnan. Maybe,yeah,he can help. Sa tingin ko,mukhang may maisa-sagot siya.

"My feelings." I replied.

His eyes widened. "Ahm... What kind of feelings?"

"My feelings for... you."

He gaped. "You,you mean... You... Ahm... Your feelings are for me? Ba... But what kind?"

I shrugged. "I don't know what to say. I don't want you to assume—"

"It's okay. You can tell me."

Kinagat kk ang ibabang labi at nagbaba ng tingin. "I don't know if it's... Love? Or..." I shrugged. "I don't know. I can't assume either." nag-angat ako ng tingin kay Sargent at nagtaka nang makita ang mukha niya. It looks like he's holding something inside and he doesn't want to show it. O baka yun nga talaga?

"Ahm..." ilang beses na tumikhim siya. "Ok. May problema ba sa nararamdaman mo kaya medyo lutang ka? Ganun ba?" tanong niya.

I nodded.

Kumunot ang noo ni Sargent. "Then what? Yeah,love is abnormal but what's wrong with it?"

I sighed. "Para kasing may pumipigil sa akin na maramdaman iyon. Parang hinahatak ako palayo sa'yo at sa nararamdaman ko. I don't know why but I think, it's my inner self. Pero wala naman akong alam na dahilan kung bakit ako inilalayo nito mula sa nararamdaman ko sa'yo at sa'yo."

Mas lumalim ang gatla ng noo niya. "I don't know either. Wala ka namang sinasabi sa akin noon."

I got something! "Maybe,it has something to do with my past that I completely forgot! But how..." unti-unti'y mataman na tinitigan ko si Sargent.

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon