Chapter 2

2.9K 72 1
                                    

Rowana's POV

Naguguluhang nakatingin ako kay Sargent. What is he saying? Lasing lang siguro. Umiwas na lang ako ng tingin at hindi siya pinansin. I rather watched the visitors sweetly dancing with their love ones. Nakakatuwa ang iba dahil nagtutuksuhan at kinikilig-kilig pa kahit pa mga nasa 50s na ang edad ng iba.

If only Clyde was here. Siguro,may kasayawan ako. Kaso wala siya eh. Busy.

Napalingon ako sa tabi nang lumipat doon ng upuan si Sargent at doon na nga naupo. Mapupungay ang mga matang tiningnan niya ako. Siguro dahil lasing lang siya kaya ganun makatingin.

Umiwas na lang ako ng tingin at muling pinagmasdan ang mga bisita.

But Sargent got my attention again with a confusing question.

"So,ganun-ganun na lang? Akala ko ba babalikan mo ko? I thought you will be with me once again? Pero bakit may iba ka ng lalaki?" marami niyang nakakalitong tanong.

Kunot noong binalingan ko siya. "Look,Mr.—"

"Sshhh..." tinakpan niya ang bibig ko gamit ang hinalalaki niyang pinaglandas niya sa labi ko. I gulped when he started rubbing my lips. "You still have that soft lips of yours. Is it still addicting?" tanong niya sa akin.

Sa una medyo hindi kk na-gets ang ibig sabihin niya ngunit nang pumasok na sa utak ko ang ibig sabihin ng sinabi niya,hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. "Sinasabi mo bang,nahalikan mo na ko?" naninigurado kong tanong sa kanya.

But when did he kissed me? I don't remember kissing him except Clyde. Lasing na nga si Sargent!

"Yeah,I'm your first,second,third,fourth and so on. You love kissing me." He bitterly chuckled. "Naghiwalay lang tayo,nakalimutan mo na yung mga halik ko sayo? Bakit? Mas magaling ba yung bago mong boyfriend? Mas magaling ba siya sa akin? The last time I remember,you're always complimenting my kisses. Sabi mo pa nga matapos mong umungol,walang kasing sarap ang mga labi ko at nakaka-adik din." kuwento niya sa akin.

I tried to remember those stories but nothing. I can't even remember kissing him. I also can't remember kissing him repeatedly and I didn't remember saying that his kisses are addicting either.

"Ok,you're drunk." parang ako na ang sumusuko sa dami ng mga tanong niyang hindi ko naman alam.

"Still have that pretty face,huh? Kaso umikli yung buhok mo. Why?" tanong ni Sargent sa akin. Akmang lalapit na naman ang hinlalaki niya sa labi ko pero mabilis kong tinabig iyon.

I glared at him. "Tigilan mo kakahawak mo saking manyakis ka." duro ko sa kanya at umirap.

He tauntingly grinned. "Yes,I am,baby."

"Don't call me that."

"Why can't I? 'Di ba,ganun naman talaga ang tawagan natin noon? Baby tapos babe."

"Mangarap ka ng gising at lasing pa. Hindi porke't niligtas mo ko sa obsessed kong secretary,close na tayo. Tandaan mo,pangalan mo lang ang alam ko at ang pamilya mo." muli ay dinuro ko siya at muli siyang inirapan.

Umiwas na ako ng tingin para muling panoorin ang mga bisita kong nag-sasayawan pa rin.

Pero ayaw talaga akong tigilan ng lalaking ito. "Really? Kasi ako,marami akong alam sa'yo."

Walang sere-seremonyang nag-angat ako ng tingin kay Sargent. But I did not expect the next thing happened.

Our lips brushed on each other.

Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap,mabilis kong inilayo ang labi ko mula sa mga labi niya.

"What's wrong?" takang tanong niya sa akin. He sounds like it's not a big deal for him but for her? It's a big,big deal!

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon