Rowana's POV
Sargent. Tanging ang pangalan lang ng lalaking yun ang umiikot ngayon sa ulo ko simula pagkagising ko sa umaga. Miski ang mga pinagsasabi niya kahapon nasa ulo ko rin. Nahihirapan tuloy akong kalimutan ang lahat ng iyon dahil sa kuryosidad.
If only I knew the answers. Eh di,hindi ako nagkakaganito ngayon.
"Ma'am? Hello?" paulit-ulit na kumurap ako nang marinig ang boses ng applicant ko.
"I... Ahm... I'm,I'm sorry. Ahm... Nabasa ko naman na yung resumé mo and yeah,may experience ka nga. The CEO of the company you worked for before—which is my close friend—recommended you to me by sending a recommendation letter to me. At nabasa kong,masipag kang empleyado. And you can do multi-tasking and etcetera." tinanguan ako ng aplikante kong babae. "So,mukhang malaki ang tiwala sa'yo ng boss mo before and that makes me wanna trust you too. And wala namang reklamo sa'yo,masipag kang bata. So,you're hired,Ms. Letizsia Venebitez." anunsyo ko at nginitian ang aplikante.
Napasinghap ang bago kong sekretarya at ngumiti ng malaki. "Pwede na po bang magsimula,ma'am?"
"Why not?" Tinuro ko ang iilang patong-patong na mga pink colored folder na nasa ibabaw ng lamesa ko. "Your first job is to review those important files of the resort. Para ma-inform ka naman dito sa bago mong trabaho."
"Thanks,ma'am."
"Oh,and paki-utos kay Manager Velasco na pauwiin na yung other applicants dahil may na-hire na."
"Yes,ma'am."
"Thanks."
Marahas na bumuntong hininga ako nang makalabas na ang bago kong secretary. After an hour,I already hired someone! Mabuti na lang at binigay sa akin agad yung recommendation letter ng bago kong secretary. Kung hindi,naghahanap pa rin ako hanggang ngayon.
Isinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng swivel chair ko pati na rin ang likod ko.
The news about the birthday party last night was good when I left the party. Kaya walang sermon ng mga magulang ko ang naganap nang bago ako makauwi sa unit ko. Naniwala naman sila sa dahilan ko kagabi na isang kasinungalingan. Ayaw ko kasing i-kuwento sa kanila ang nangyari sa amin ni Sargent. Baka kung ano pang isipin ng mga yun sa akin lalo na't may nobyo ako.
Speaking of my boyfriend,he messaged me last night. And that message made me smile again.
Sinabi kasi niya sa mensahe na ngayon na siya uuwi matapos ng isa't kalahating linggong business trip niya. And I'm so happy, finally! Kaso nga lang,ayaw niya akong pag-hintayin sa airport eh. He wanted to surprise me. Kaya naman hinayaan ko na lang siya.
Napalingon ako sa pintuan ng opisina ko nang makarinig ng kumakatok. "Sino yan?" tanong ko sa kung sino man ang nasa likod ng pintuan.
"Ahm... Ma'am,si Letizsia po 'to. May lalaki po kasing naghahanap sa inyo. Papasukin ko po ba?" imporma sa akin ng sekretarya ko.
Kumunot ang noo ko. "What's his name?" tanong ko pa.
"Si Mr. Sargent Francisco po. Gusto niya daw po kayong makausap. Tungkol daw po sa business ang topic."
Napakamot ako sa batok nang marinig ang pangalan ng lalaking kasama ko kagabi. Atsaka hindi ako naniniwalang business ang pag-uusapan namin noh. Yung manyak na yun!
"Ayoko. Tell him to leave, immediately." utos ko sa secretary ko.
Ilang segundong tahimik sa labas ng pinto ng opisina ko. Sa akalaing wala na nga si Sargent, iniikot ko ang swivel chair ko patalikod sa lamesa ko at ipinikit ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Once Again
General FictionRowana De Leon. A 27 years old woman who loves to work and read books. Thinking that she might disappoint her parents again,she became a perfectionist in everything. She became a disappointment once and she experienced hell on the hands of her paren...