GAME# 1

177 14 0
                                    


"Nanika, ang saya ko ngayon! Maraming salamat ha?" nakangiting wika ni Shoun bago muling sumulyap sa maliit na cake na dala ko na ibinigay sakanya.


Tumango lamang ako at bahagyang ngumiti bago sindihan ang maliit na kandilang nakalagay sa maliit na cake na binili ko sa bakeshop saaming bayan. Kaarawan niya ngayon at ika labingwalong taong gulang na niya.


Bukod sa naging sahod ko nitong nakaraang linggo ibinili ko siya ng cake na kakasya lamang sa ipon ko dahil hindi naman ganoon kalaki ang sweldo ko sa pagtitinda ng tinapay sa sikat na bakeshop kung saan ko binili ang cake na medyo may kamahalan kahit pa maliit lamang ito at sapat lamang sa tatlong tao.


"Pwede na ba ako mag wish Nika?" excited na tanong ni Shoun na tila nagniningning ang mga matang nakatingin saakin.

Napatawa ako ng bahagya.


Ba't mukha nanaman siyang aso sa paningin ko?


"O sige! Mag wish ka na." nakangiti kong sambit at ipinikit na niya ang mga mata niya.


"Sana gumaling na ang ina'y sa sakit niya at sana bigyan pa kami ng malusog at malakas na pangangatawan ng dalawa kong kapatid at si Nika para iwas sakit at wag nyo rin po silang pababayaan."


Bahagyang nagmulat ng isang mata si Shoun at sumulyap saakin bago muling pumikit at pinagpatuloy ang sinasabi niya.


"At wag niyo rin po sana kaming paghihiwalayin ng kaibigan ko dahil para saakin sapat na sila para mabuhay ako. Wag ka mawawala saakin Nika." mahinang sambit niya ngunit dinig na dinig ko ito dahil magkaharap lamang kami.


Taon taon iyon lagi ang hiling niya at wala 'yong mintis. Napangiti nalang ako.


I will never leave you Shoun.


"Salamat talaga Nika. Ang ganda naman ng cake na ito. Babawi rin ako sa kaarawan mo. Pangako ko 'yan." Nakangiti niyang sambit na halos mapapikit na siya dahil sa kasingkitan ng mata niya.


"Aba dapat lang na maganda ang cake mo no! Debu mo kaya! Dapat ispesyal at masarap." pang-asar kong tugon at ngumiti ng nakakaloko sakanya.


"Grabe ka ah. Kapag 21 years old nagdi debu ang mga lalake Nika." sambit niya kaya napatawa ako. Ang sarap niya talaga asarin eh. Madali siya mapikon.


"Tara na sa bahay niyo para makain na natin yan at yung luto ng mama mo na pansit. Sarap pa naman magluto ni tita."


Tumayo na ako at pinagpag ang suot kong itim na pantalon bago dahan dahang bumaba ng burol na nakaugalian na naming puntahan tuwing sasapit ang papalubog ng araw tuwing kaarawan namin. Dito kami madalas na magpunta para tanawin ang buong bayan na kinalakihan namin simula pagkabata.


Wala na akong mga magulang dahil ayon sa kwento ng lola ko na kumupkop saakin ay iniwan ako ng aking ina sa kanila at ang ama ko naman ay umalis at hindi na muling nakita pa. Pinalaki ako ng aking lola at dahil na din sa katandaan niya, pumanaw na rin siya dalawang taon na ang nakakaraan. Mag isa na ako sa buhay ngayon at pilit kong binubuhay ang sarili ko.

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon