GAME# 6

33 12 0
                                    





"Nika umalis na tayo. Lalayo tayo rito."


"Umalis na kayo."


"Hindi! Hindi kita iiwan dito! Tutulungan kita. Aalis tayo ng magkakasama!"


"Umalis na kayo! Hayaan mo na ako Shoun. Parang awa mo na. Iligtas mo ang pamilya mo."


"Pamilya na din kita Nika. Hindi ko din kayang mawala ka saakin. Hindi ko kaya. Baka ikamatay ko pa!"


"Iligtas mo sila. Kaya ko ito. Hindi ko din kayang mawala ka. Kayo na ang naging pamilya ko kaya please Shoun. Para saakin gawin mo nalang yung sinasabi ko. Umalis na kayo. Ilayo mo sila dito. Lumayo na kayo. Ayos lang ako."


"Babalikan kita Nika. Babalikan kita pangako ko yan. Hahanapin kita. Wag ka mawawala saakin please?"

________________________________________



Habol ang hiningang napabangon ako sa aking hinihigaan. Sariwang sariwa pa rin ang mga pangyayareng 'yon kahit na ilang araw na ang nakalilipas.



Sa mga araw na nagdadaan, puro lamang training ang ginagawa namin ng grupo. Ang training na ginagawa ko ay paggamit ng mga sandata tulad ng dagger, knife, mga kunai at iba pa. Gamay na gamay ko ang paggamit ng iba't ibang sandata dahil alam ko noong bata pa lamang ako ay walang maitutulong ang senses ko para proteksyunan ako kaya sinanay ko talaga ang sarili ko sa paggamit ng mga sandata.


Huminga ako ng malalim at muling pumikit ng mariin.


Kamusta na kaya sila Shoun? Nasa maayos na lagay kaya sila?


Bumangon ako sa aking kinahihigaan at lumabas ako sa aking silid upang magtungo sa training room. Nakaugalian ko ng pumunta dito tuwing hindi ako makatulog o may bumabagabag sa isipan ko.


Kailangan ko lang lumaban at makakalaya na ako dito.


Nang marating ko ang training room pumasok agad ako dito at kumuha ng mga dagger.


Walang ibang tao dito dahil nakita ko lamang sa orasan na nakasabit sa itaas ng pinto ng aking silid ay around 2:30 am pa lang. Madaling araw pa kaya alam kong tulog pa ang mga kagrupo ko.


Dahan dahan akong pumikit at pinakiramdaman ang paligid. Mayroong mga nakasabit na mga prutas sa di kalayuan kaya isa isa ko itong inasinta. Pinatamaan ko ang mga prutas na nakakalat sa iba't ibang direksyon at tumigil din ako agad ng isa isa na itong magsihulugan.


Ito ang ayaw ko sa senses ko dahil kapag nagagamit ko ito ay madali akong pagpawisan kaya pumunta ako sa silong ng mga puno at isa isa ko ding pinulot ang mga prutas na kanina lamang ay inasinta ko. Pinagsama sama ko sila at nilagay sa gilid ng isang puno at ng masiguro kong maayos na ito, tumalikod ako at dahan dahan kong hinubad ang damit kong puno ng pawis at umupo na.

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon