GAME# 5

48 12 0
                                    



Chapter 5

Patungo pa lang kami ni Kacy sa sinasabi nilang training room pero ramdam ko na ang pag-alog ng lupang tinatapakan namin at mga pagsabog na tila ba kayang magwasak kahit ilang metro ang layo.



Tulad nga ng sinabi ni Kacy, gumaling na ang kaliwang paa ko at wala na akong maramdamang kahit na anong sakit mula dito. Kayang-kaya ko na ulit maglakad ng normal at walang iniindang masakit saakin.



Magaling nga siyang healer ng grupo.



Pero kahit magaling na ang kaliwang paa ko, hindi ko magawang tumkas dito dahil sabi nga ni Kacy sobrang higpit nga ng mga kawal at mga tagapag bantay sa lugar na 'to. Hindi ako pwedeng gumawa ng siraulong stunts ko ngayon dahil naka monitor ang galaw namin dito.



Nakita ko ang ilang kawal at mga tagapag bantay na nakatayo at tila mga istatwang walang pakialam. Isa isa ko silang tinignan ng masama dahil hindi pa ako nakakabawi sa dalawang kawal na nangaladkad saakin.



May premyo sana akong ibibigay eh..



I will kick their balls as a reward!


Napahinto ako sa pagma massacre ng dalawang kawal sa isip ko ng biglang huminto si Kacy sa isang malaking double door. Ramdam ko sa likod ng mga pintong yan ay nandyan ang mga iba pang myembro ng grupo. Ramdam ko din ang pagsabog na nagaganap at pagyanig ng sementong tinatapakan ko.



Wala naman sigurong maghahagis ng bomba saamin ni Kacy kapag pumasok kami dito diba?



Unti-unti ng binuksan ni Kacy ang malaking double door at tumambad saamin ang napaka kalat ngunit napakaluwang na lupain na kung saan may mga butas ang mga lupa na tila ba tinapunan ng bomba at ilang mga punong nabuwal na dahil sa mga pagsabog na naganap.



Ano 'to? Training ba 'to o may gyera?



"Wala talagang paawat kapag sina Melo at Dwayne na ang naglalaban." iiling-iling na sagot ni Kacy.


Nawala na ang usok na bumabalot sa di kalayuan saamin ni Kacy at natanaw ko ang pigura ng dalawang lalaki na papalapit saamin ni Kacy. Halos punit punit na ang damit ng isang lalaki at ang isa naman ay boxer na lamang ang natira. Papalapit sila saamin habang nagtatawan at hindi yata aware sakanila na napakarami nilang sugat sa katawan at nagdudugo pa ang isang kamay ng isa sakanila.


Mga baliw siguro sila.



Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon