GAME# 7

43 12 0
                                    





"Nika focus! Ano bang nangyayare sa'yo? Hindi ka naman ganyan kalamya kahapon" reklamo ni Dwayne.

Tuloy-tuloy siyang umatake ng fire balls papunta saakin at ang tangi ko lamang nagagawa ay ilagan at magtago sa sulok. Hindi pa rin ako makapag concentrate dahil bukod sa puyat ako at hindi nakatulog dahil sa nangyare kaninang madaling araw, iniisip ko pa rin ang kahihiyan kong ginawa.


Sa susunod talaga hindi na ako maghuhubad ng damit at hahayaan kong magkasakit nalang ako. 


Swear!


Inihanda ko ang mga mini daggers na hawak ko at mabilis ko itong ibinato kay Dwayne ngunit hindi man lang ito umabot sakanya.


Hinang-hina ang katawan ko ngayon.


"Nika sa tingin ko kailangan mo muna magpahinga. Hindi ka naka concentrate at mukhang lutang ka ngayong araw. May nangyare ba?" tanong ni Dwayne habang naglalakad na papalapit saakin.


Ganoon na ba ako ka-lutang?


"Ayos lang naman ako Dwayne. Pahinga lang tayo sandali tapos ituloy ulit natin 'tong training." sagot ko habang ibinababa ko din ang ilang sandatang nakasuot saakin.


Medyo mabigat ang ilan kaya hindi rin ako makakilos ng maayos pero kailangan kong sanayin kaya hinahayaan ko ang katawan kong masanay sa sakit at hirap.


"Ayos ka na sa lagay na 'yan? Parusa ang abot mo kay Captain kapag siya ang kaharap mo ngayon." nakangiwing saad niya kaya napakunot ang noo ko.


May Captain ang grupong 'to?


"Captain? Sinong Captain? Bakit hindi ko pa siya nakikita simula nong napasok ako sa grupong 'to?" takang tanong ko.


Simula ng napasok ako dito sina Dwayne, Melo, Kacy at si Fria pa lang ang nakilala ko. Si Fria yung babaeng nakita kong nanipa ng nakaharang na napakalaking tipak ng bato dati. Medyo may pagka bitchy-type siya kaya minsan lang kami nagkakasama at minsan ko lang siya kausapin.


"Gumawa nanaman kasi siya ng kalokohan kaya ilang araw siyang kinulong sa west side ng kastilyo. Ilang ulit na siyang gumagawa ng kalokohan at sanay na siyang maparalisa ang buong katawan kaya sisiw na sakanya 'yon. Wala ng nagawa yung mga nasa taas kaya kinulong na lang siya sa punishment room kung saan wala pang nakakaalam kung anong nasa loob nun kundi si Captain lang. Suki siya doon eh."  sagot ni Dwayne.


So meron pang isa pang baliw sa grupo at base pa sa kwento ni Dwayne mas baliw pa talaga yung Captain.


The best team!


______________________________________



Kasalukuyan kaming naglalakad nila Kacy at Dwayne papunta sa dining hall. Kakatapos lamang ng second training namin ni Dwayne kaya napagpasyahan naming kumain ng tanghalian. Ang sabi ni Kacy naroon na daw ang lahat sa dining hall kasama ang Captain at kami nalang ang hinihintay nila.

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon