Nanika's POV
Pasimple kong pinagmasdan si Kill habang kumakain kami sa dining hall. Simula noong bumalik kami galing sa labas ng border ay halos wala na siyang imik at tila bumalik nanaman siya sa dating gawi niya na pagiging striktong captain sa grupo at halos wala na din siya gaanong sinasabi dahil napakaseryoso niya. Halatang sanay na ang ibang myembro sa ugali niya ngunit ako lang ata ang hindi masanay sanay sa ugali niyang tila walang pakialam sa lahat.
Noong una balak ko talaga siyang iwasan pero mukhang hindi ko na kailangang gawin 'yon dahil siya na mismo ang mukhang walang pakialam sa akin at sa mga nangyare sa amin sa labas.
Tahimik lang ang grupo habang kumakain kami. Dalawang linggo na rin ang nakalipas ng bumalik kami at halos maraming nangyareng pagbabago. Noong bumalik kami ay sinalubong ako nina Kacy, Melo, Dwayne kasama rin si Lex. Nakangiting tumango sa akin si Lex bilang bati kaya nginitian ko rin siya bago ako lumapit sa iba pang myembro ng grupo.
Binato ako ng napakaraming tanong nila Dwayne at Kacy kaya halos hindi ko rin naintindihan kung may naisagot ba akong tama sa bawat tanong nila. Ganoon din kina Fria at Kill kaya halos hindi rin sila makabwelo upang sumagot.
"Kill saan kayo galing? Bakit kayo lumabas? At bakit parang may nagbago sa'yo?!" sinusuring tinignan ni Melo si Kill kaya napailing nalang si Kill at malakas siyang binatokan ng huli.
"Jan lang. Nagpagupit." tila walang ganang sagot ni Kill kay Melo kaya halos hindi siya tinigilan ni Melo noong nakabalik kami. Matapos kong magpaliwanag kina Dwayne at Kacy ay tumuloy na ako at dumiretso sa silid na inuokupa ko. Halos wala akong gana ng mga oras na 'yon kaya siguro mabilis akong nakatulog sa sobrang pagod at lungkot na nararamdaman ko.
Hindi ko na rin nakita ang lalaking nakasuot ng itim na cloak. Hindi ko maiwasang makaramdam ng galit dahil ginamit niya pa ang mga alaala sa nakaraan ko sa ilusyon na 'yon.
Pinagmasdan ko pa ang mga pagkain na nasa harapan ko. Sobrang dami nito. I admit na ang ilan dito na nakikita ko ay ngayon ko lang nakita. Ang ilan ay hindi ko pa alam kung ano at paano ang pagkakagawa. Naalala kong muli ang buhay ko sa labas noon, si Shoun at ang pamilya niya.
"Wala ka bang ganang kumain Nanika?"
Napalingon ako kay Dwayne na nasa harapan ko lang at matamang nakatingin sa akin. May hawak siyang bread knife sa kanang kamay niya na kasalukuyang may strawberry jam na ipinapalaman niya sa tinapay na hawak niya naman sa kaliwang kamay niya.
"Hindi mo ba nagustuhan ang mga nakahanda?" tanong niya ulit kaya napailing ako bilang tugon.
"May naalala lang ako." mahinang wika ko bago ko muling kunin ang kutsarang nasa harapan ko.
Dumapo ang tingin ko kay Kill ng bigla siyang tumayo at mabilis na umalis sa dining hall. Nakita ko ring natigilan sina Kacy at ang iba pa sa kanilang pagkain. Yumuko na lang ako dahil ayoko ng abalahin pa ang pakikitungo niya saamin kapag malapit lang ako.
Ibang iba ang pakikitungo niya sa ibang myembro ng grupo ngunit kapag naroon ako ay halos ayaw niyang magtagal pa. Umaalis nalang siya kaagad at kung minsan ay wala pang paalam katulad nalang ngayon. Simula noong bumalik kami dalawang linggo na ang nakakaraan ay ganoon na rin ang pakikitungo niya sa akin. Tila ba may nakakahawa akong sakit kaya halos ayaw niya akong lapitan o makasama man lang.
BINABASA MO ANG
Game Over
FantasíaShe's no one. Her life is like a total mess but her bestfriend is still there for her no matter what. She used to be with him but like a love story in fairytales, a tragic incident happen that will lead with them to break apart. And like they alwa...