GAME# 21

19 2 0
                                    


"Hush now Nika. I'am here."

After what he said I found myself burst out crying.

Dapat hindi ako nagpapakita ng iba pang emosyon. Dapat hindi ako maging mahina sa harap nila. Dapat maging matatag ako pero ano itong nangyayare saakin? Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw huminto ng mga luha ko.


Maybe dahil si Shoun lang ang tumatawag saakin ng ganon. Palagi niyang sinasabi saakin ang ganoong salita kapag nakikita niya akong umiiyak at malungkot and hearing those words from Kill broke me into pieces.


Why am I feeling this way?


Ilang sandali pa ang nakalipas bago ako kumalma at halos hindi ako makagalaw ng mag sink in sa utak ko ang nasa harapan ko ngayon.



Si Kill. Nakaupo sa harap ko. Yakap ako.


Halos panawan ako ng ulirat ng muli niyang hagudin ang likod ko at nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga.


"Are you ok now?" malambing na bulong niya habang hinihimas pa rin ang likod ko para siguro kumalma ako.


Himbis na kumalma ako mas lalo yata akong hihimatayin dahil sa nangyayare. The masculine smell of Kill suffocating me. Wala sa sariling napaatras ako palayo sakanya. Pinilit kong lumayo but his hand are trapping me in place.


"Kill--"


Bahagya ko siyang itinulak. No. This is wrong. This is so freaking wrong. Hindi ko pwedeng maramdaman 'yon.


Damn.


Bahagya siyang lumayo saakin at tinignan ako ng direcho sa aking mga mata.


"Why?" naguguluhang tanong niya saakin. Kahit naguguluhan, umiling nalang ako bilang tugon bago ako muling tumayo at tumalikod sakanya.


This is wrong. I let my guard down so that's why I feel this. This is so f-cking wrong.


"Babalik na ako sa loob C-Captain." saad ko na sapat lang para marinig niya. Naramdaman kong tumayo na din siya mula sa pagkakaupo. Wala akong lakas ng loob na lingunin siya para tignan. Parang lahat yata ng lakas ko ay nawala nalang na para bang bula.


"Go." he said. "I will stay here for a little while."


*




Dwayne's POV



"Kailan ba sila uuwi? May balita na ba sa kanila?" nag aalalang tanong ni Kacy habang nakahalumbaba sa harap ng hapagkainan.


Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon