Nanika's POV
"Nanika, your spacing out again."
Napapitlag ako ng marinig ko ang seryosong boses ni Kill. Mula kahapon matapos umalis nila Kenth at ng mga kaibigan niya ay hindi ko pa rin mapigilang mag-isip ng tungkol kay Shoun. Alam kung imposible naman ata 'yon pero may bahagi ng puso at isip ko na nagsasabi na baka siya nga 'yon.
Matapos akong hatakin ni Kill pabalik sa ospital, wala na ako sa sarili at hindi ko na din matandaan kung nakakain nga ba ako kagabi o hindi sa lalim ng iniisip ko. Hindi ko magawang kumilos ng maayos dahil sa tingin na blangko ang isip ko sa matapos kung marinig ang pangalan niya sa ilang buwan na hindi ko siya nakikita. Matapos naming makabalik ni Kill sa ospital ay sinabi niya saakin na samahan ko daw siya sa bayan dahil may gagawin siya para sa kapatid niya bago kami bumalik kung saan kami galing. Sinabi ko naman naman na kailangan ko pa pumunta sa sinumpang gubat kung saan kami pumunta dati pero sinungitan niya nanaman ako kaya wala akong nagawa kundi mag walk out sa inis.
As usual. Nagsusungit nanaman siya dahil ayaw niya bumalik doon.
Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang huminto na sa paglalakad si Kill kaya nabangga ko ang malapad na likod niya dahilan para inis siyang lumingon saakin na nakakunot noo pa. Wala yatang araw na hindi 'to masungit at parang araw-araw may dalaw. Siya na nga itong sinamahan may gana pa siyang magsungit? Iwan ko siya dito eh. Tss.
"Wag kang mag space out habang kasama mo ako. Ayoko ng tatanga-tanga. Tandaan mo jan tayo napahamak noong magkasama tayo." naiinis niya wika kaya napairap nalang ako.
So bakit niya pa kasi ako isinama dito? Para maging alalay? Nice! Tss.
Humarap na uli siya at pumasok sa isang shop na napakaraming binibentang wig at sa tingin ko ay dito rin ito ginagawa.
Wait? Anong ginagawa namin dito?
Kahit nagtataka ay pumasok na din ako at nabungaran kong nakikipag usap si Kill sa isang staff dito at maya-maya pa ay umupo na siya sa isang upuan at sa harap nun ay isang napakalaking salamin.
Magpapagupit siya?
Nakatayo lang ako habang pinagmamasdan siyang ginugupitan. Ginupit ng babaeng nasa likod niya ang buhok niyang tila buntot sa sobrang haba at matapos nun ay inayos na ang medyo may kahabaan na rin niyang buhok na tumatakip sa mga mata niya. Matapos nun ay sinundan ko na lamang ng tingin ang babaeng may hawak ng pinutol na buhok ni Kill na nakatirintas pa at dinala 'yon sa isang silid na hindi ko alam kung ano.
"Tara. Kakain tayo. Nasabi ni Fria na kagabi ka pa daw lutang at walang kain. Babalik uli tayo dito mamaya." masungit na wika ni Kill at nauna ng lumabas kaya kahit labag sa loob ko ay kailangan ko din siyang sundan.
Aaminin kong madalas nakakaasar ang ugali niya pero minsan lihim na napapangiti nalang ako kapag nakikita ko ang concern niya sa grupo. Kahit puro pagsusungit ang ipinapakita niya sa grupo, alam kong may concern pa rin siya at sa pagsusungit niya nga lang ipinapakita kaya minsan naiinis ako. Masyado siyang bossy.
BINABASA MO ANG
Game Over
FantasíaShe's no one. Her life is like a total mess but her bestfriend is still there for her no matter what. She used to be with him but like a love story in fairytales, a tragic incident happen that will lead with them to break apart. And like they alwa...