GAME# 2

76 14 1
                                    


Naalimpungatan ako sa gitna ng aking pagtulog ng may maramdaman akong hindi tama sa paligid.


Ano nga ba yun?


Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tumungo sa aking kusina. Ilang kagamitan nalamang ang natitira sa bahay na ito na naiwan saakin dahil ang ilang gamit dito ay naibenta ko na noong gipit ako. Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig at agad ko itong ininum. Naramdaman ko nanaman na parang may hindi tama.

  Lumilindol ba?


Siguro inaantok pa ako dahil hindi ko talaga mawari kung ano nga ba ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.


Napatigil ako sa pagpasok ng aking kwarto ng may maramdaman akong papalapit sa paroroonan ng bahay ko at alam kong didiretso ito sa pintuan ko. Napakabilis niya ngunit ramdam ko ding pagod na ito dahil ramdam ko ang bawat paghinga niya ng malalim at tila ba hingal na hingal.


Ano ba talagang nangyayare?


Dali dali akong pumunta sa pintuan at agad binuksan ito upang malaman kung ano ang nangyayari at laking gulat ko ng makita ang ilang bahay na may kalayuan sa kinatitirikan ng bahay ko na nasusunog at tinutupok na ng napakalaking apoy na tila ba kayang kaya sirain ang lahat madaanan niya.


Napatakip ako ng bibig ko sa pagkagulat. 


OH geez! Anong nangyayare?


Maya maya ay natanaw ko na si Shoun na napakabilis ang takbo at bitbit ang kanyang ina na iniakay niya pasakay sakanyang likod at buhat ang kanyang mga nakababatang mga kapatid. Patungo ito saakin at tila pagod na pagod na.


"Nika. Kailangan na nating umalis dito! Magtago tayo!" natatarantang sabi niya saakin ng makalapit siya sa kinaroroonan ko. Lito man pero tumango na lamang ako.


Pumasok kami sa bahay at pinakalma ko muna ang mga kapatid niya na humahagulgol sa pag iyak. Taka akong bumaling kay Shoun at naintindihan niya naman ang nais kong malaman.


"Mga rebelde. Mga nag aaklas sila sa samahan ng council at gusto nilang mapasakanila ang buong bayan. Kasama ang tatlong dating admirals, sumugod sila dito sa bayan at dinadakip kung sino man ang nakikita nila at ang iba ay pinapatay nila." taranta na pagpapaliwanag saakin ni Shoun.


Napatanga ako. Shit! Anong gagawin namin?


Naistatwa ako ng may maramdaman akong isang bagay na sobrang bilis na bumubulusok papalapit sa kinatatayuan ng bahay ko. Lagot!

"DAPA!" sigaw ko kasabay ng malakas na pagsabog sa likuran namin. Halos mawasak na ang likod ng bahay kung saan ito tumama. Mabuti at nakadapa agad kaming lahat kung hindi natusta na kami dahil sa malaking bolang apoy na bumulusok.


Salamat naman at may naging silbi narin ang kapangyarihan ko sa oras na ito.


Tinulungan ni Shoun ang mga kapatid niya na makatayo at inalalayan niya ang kanyang ina na sumampa ulit sa likuran niya.


Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon