Kasalukuyan akong nasa loob ng aking silid. Matapos ang lunch namin sa dining hall, dito na ako dumiretso dahil wala ako sa mood sumama sa iba ngayon.
Iniikot ko ang paningin ko sa loob ng silid na 'to. Napakalawak nito at hindi mo aakalaing isang silid lamang 'to dahil kumpleto ito ng kagamitan. Mistula na rin itong bahay dahil mayroon itong kusina, dalawang banyo at napakalawak na sala na kung saan kumpleto talaga sa lahat ng gamit.
Nang mapunta ako dito hindi ko na prinoblema ang mga damit at pagkaing kakailanganin ko dahil kumpleto na talaga ito. Nagtungo ako sa banyo at nakita ko ang ginamit kong mga damit na ibinabad ko noong nadakip nila ako.
Iniayos ko ito para labhan pero may naramdaman akong tila bukol sa may bulsa ng aking itim na pantalon kaya kinuha ko ang laman at tinignan ko kung ano nga ba ang bagay na 'yon.
Isang bola ng nilamukos na papel at mistula ng natutunaw ang nakita ko. May mga sulat ito ngunit hindi na ito mabasa dahil nalusaw na ang ilang parte ng sulat at nagkalat na din ang itim na tinta.
"Nika ito nga pala yung gusto ko ibigay sa'yo."
"Teka ano yan? Basura mo? Ikaw magtapon ayaw ko tumayo!"
"Hindi! Binalot ko lang sa bolang papel yung gusto ko ibigay sa'yo. Nasa loob niyan yung importanteng bagay na iniingatan ko. Kapag nakauwi ka na sa bahay nyo basahin mo yung mga nakasulat sa papel ha?"
"Diba dapat ikaw yung reregaluhan ko kasi birthday mo? Ba't ikaw pa yata ang nagbibigay saakin ng regalo?"
"Nandito ka sa tabi ko ng ilang taon at sina mama kaya 'yon na ang pinaka magandang regalong natanggap ko. Masaya na ako doon."
Ito yung binigay saakin ni Shoun noong bago ako umalis pagkatapos ng kaarawan niya. Hindi ko malilimutan yung matamis niyang ngiti noong binigay niya saakin ito.
Binuklat ko ito at bigla na lamang nag unahan sa pagtulo ang mga luha ko pababa sa aking pisngi. Nabungaran ko ang isang kwintas na yari sa pilak at may pendant na bilog na kasing laki lamang ng limang pisong barya.
Ito yung kwintas na binigay sakanya ng kanyang ama bago ito mamatay. Kahit nabaon na sila sa utang noon hindi tinangkang isanla ni Shoun ang kwintas na ito dahil ito na lamang ang natirang alaala sakanya ng kanyang ama.
BINABASA MO ANG
Game Over
FantasyShe's no one. Her life is like a total mess but her bestfriend is still there for her no matter what. She used to be with him but like a love story in fairytales, a tragic incident happen that will lead with them to break apart. And like they alwa...