"Kailangan ko muna itago lahat. Ayokong mapahamak at maghirap ka. Patawad kung kailangan kong gawin sayo 'to. Mahal kita kaya kailangan kitang protektahan."
Nakatingin lamang ako sa lalaking nakatayo saaking harapan na may hawak na baril at kasalukuyang nakatutok saaking puso.
Ano 'to? Anong nangyayare?
Pag-iyak lang ang tangi kong magagawa sa ngayon. Wala akong lakas. Wala akong magawa. Di ko siya kaya.
"H-Huwag. Parang awa mo na. M-Mahal din kita K---"
Baaaannngg!!
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Nanika's POV
Bigla akong napabangon at ramdam kong napakasakit ng buong katawan ko. Tila ba hindi pa handa ang katawan ko gumalaw pero dahil sa panaginip kong 'yon biglang naalarma ang buong katawan ko.
Sino yung lalaking 'yon? Bakit hindi ko makita ang mukha niya?
Napahawak ako sa dibdib ko na kung saan nandoon ang puso ko. Bakit parang totoo? Bakit ramdam ko ang sakit noong binaril ako ng lalaking 'yon?
"Nanika ayos ka lang ba?" napatingin ako kay Dwayne na nasa bungad ng pinto at tila ba galing pa sa pagtakbo dahil kita sakanya ang paghabol ng kanyang hininga.
Umiling ako bilang tugon at pinagmasdan ko ang nasa paligid ko.
May nakakabit saaking swero at kung ano-ano pang mga machine na makikita lamang sa ospital at napapikit din ako ng mapansin kong may suot akong oxygen mask.
Anong nangyare? Bakit nasa Ospital na ako?
Yung mga halimaw? Si Kill?!
"H'wag mo munang piliting gumalaw. Kailangan mo pang magpahinga. Oh god! Sobra akong nag-alala sa'yo." sunod-sunod na wika ni Dwayne kasabay ng pagyakap niya saakin.
"Hindi pa daw alam kung kailan magigising si Nanikaaaa---D-Dwayne?!"
Napatingin kami sa pinto ng marinig namin ang boses na 'yon. Nasa pinto sina Kacy,Fria at si Melo na tila ba nagtataka kung bakit kami magkayakap ngayon ni Dwayne kaya agad akong umiwas at napatayo naman ng tuwid si Dwayne na kumakamot pa sa kanyang ulo.
Naabutan nila kami sa ganung sitwasyon. Nakakahiya
BINABASA MO ANG
Game Over
FantasyShe's no one. Her life is like a total mess but her bestfriend is still there for her no matter what. She used to be with him but like a love story in fairytales, a tragic incident happen that will lead with them to break apart. And like they alwa...