GAME# 20

24 4 0
                                    


Habang naglalakad kami ni Kill pabalik sa ospital ay hindi ko maiwasang humanga sakanya. Noong una ang pagkakakilala ko sakanya ay isang maniac na alien na ubod ng pagka bossy at pagsusungit kaya halos isumpa ko talaga siya at halos patayin sa loob ng isip ko sa tuwing nakikita ko siya. Ang hindi ko alam ay isa pala siyang kuya na walang iniisip kundi kapakanan lamang ng kanyang nakababatang kapatid.


I judge him harshly kahit hindi ko alam ang buong pagkatao niya. Siguro nga naging harsh ako sakanya pero wala akong magagawa. Nature na yata ng mga tao na mag judge kahit hindi pa nila lubusang kilala ang tao.


Doon naman talaga sila magagaling, di'ba?


Hawak ko ang mga pagkain na binili namin para kina Fria at sa kapatid ni Kill. May libreng pagkain naman sa ospital pero gusto ko parin silang bilhan dahil kapag bumalik na kami ay posibleng hindi na din kami makalabas pa. I wonder kung hinahanap na kaya kami.

 Kamusta na kaya sila doon?


Nang makapasok kami sa loob ng silid ng kapatid ni Kill ay naabutan namin itong masayang nakaupo sa kama nito habang kinukulayan ang mga coloring book na hawak niya. I think Katie loves arts. Magaling din siyang gumuhit ng mga larawang nakikita niya.


"Kuya!" masayang wika ng kapatid niya ng makita niya si Kill. Sunod siyang tumingin saakin at halos maistatwa ako ng bigyan niya ako ng masayang ngiti. She looks so innocent. Bakit kailangan maranasan niya ang sakit na ito sa murang edad pa lang?


Nakangiting lumapit si Kill sa nakababatang kapatid niya at binigyan ng isang halik sa noo. Inayos muna ni Kill ang beanie na nakasuot sa ulo ng kapatid niya bago ipakita ang hawak niyang paper bag sa kanang kamay niya.


"Ano yan?"  takang tanong ng kapatid niya bago muling bumaling kay Kill. Nangingiting iniabot niya ang paper bag sa kapatid bago magsalita.


"Regalo ni Kuya para sa'yo bago ako umalis."  wika niya na naging dahilan kung kaya't lumungkot ang mukha ni Katie at isa-isang nag unahan na pumatak ang mga luha niya.


"Aalis ka ulit?"   umiiyak na tanong nito kaya napaiwas ng tingin si Kill. I know he didn't want to leave. Pero ito nalang ang tanging alam niya para maisalba niya ang kapatid niya.


"Kailangan kong umalis Katie. Para sa'yo. Para sa'yo itong ginagawa ko. I don't want you to suffer to this kind of sickness. Hindi kaya ni Kuya na pati ikaw mawala saakin kaya ginagawa ko 'to."  saad ni Kill habang hawak ang mga kamay ng kapatid niya na kasalukuyang umiiyak pa rin.


"I promise. Babalikan kita. Babalik si Kuya." pag aalo niya sa kapatid niyang umiiyak.


Hindi ko alam pero bigla nalang akong nanlambot ng marinig ko ang katagang 'yon. Naiiyak ako. Gusto ko umiyak kaya tumalikod ako at lumabas ng silid na 'yon.


Tuloy tuloy lang akong naglakad hanggang sa matagpuan ko nalang ang aking sarili sa rooftop kung saan walang ibang tao kundi ako lang. Walang makakakita kahit umiyak man ako dito.


"Babalikan kita Nika. Babalikan kita pangako ko yan. Hahanapin kita. Wag ka mawawala saakin please?"

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon