Mabilis akong napabalikwas ng bangon at halos mawalan ako ng hininga. Parang tila galing ako sa napakalalim na tubig at ngayon lang ako nakaahon sa pagkakalubog. Ramdam ko ang sakit sa bandang dibdib ko kung saan ko itinusok ang dagger na hawak ko kanina kaya napahawak ako sa parteng dibdib ko na 'yon. Wala namang sugat o anuman ang naroon ngunit ramdam ko parin ang sakit at kirot nun na tila ba totoo ang pagsaksak ko sa sarili ko.
Hindi 'yon totoo? Ilusyon nga lang ba 'yon?
"Nanika!"
Agad akong napatingin sa aking harapan at halos panawan ako ng ulirat ng mapansin kong sobrang lapit ng mukha naming dalawa. Paranng isang maling galaw mo lang ay may mangyayareng hindi kaaya-aya kung kaya't napayuko na lang ako at kahit nnanghihina nag mga tuhod ko ay pinilit ko nalang tumayo.
Ramdam ko ang lamig na nagmumula sa hangin dahil papalubog na ang araw. Nag-aagaw ang liwanag at dilim at rinig na rinig ko rin ang mga pagaspas ng mga dahon na inihahampas ng hindi kalakasang hangin.
So nandito pa 'rin ako? Nandito na ako sa totoong mundo ko at wala si Shoun sa tabi ko.
"Ayos ka lang ba? Are you hurt?" rinig kong wika ni Kill at ramdam kong hinawakan niya ako sa balikat habang nakatingin saaking mga mata ng diretso.
Oo nasasaktan ako. Phisically and Emotionally I'am hurt.
"Ayos lang ako." mahinang bulong ko na sapat lang para marinig niya.
Ilang segundo niya pa akong tinitigan bago siya pumikit at huminga ng malalim.
"Salamat naman at maayos kang nakalabas sa ilusyon na 'yon." tila nanghihinang wika niya kaya 'di ko maiwasang mapatingin sa kanya.
"Alam mong nasa ilusyon lang ako?" naguguluhang tanong ko. Ang alam ko ay ang lalaking nakaitim na cloak lang ang nakaengkwentro ko kaya paano niya nalaman na sumailalim ako sa isang ilusyon.
Nakita ko siyang napaiwas ng tingin kaya napakunot noo ako.
"Noong umalis ka at iniwan mo kami ni Fria ay sinundan na kita kaso mabilis kang nawala kaya naghiwalay kaming dalawa para hanapin ka. Nang makita kita ay may kausap kang lalaki pero hindi ko nakita kung sino 'yon at nung nakita na kitang nawalan ng malay mabilis akong tumakbo para lapitan ka." mahabang wika ni Kill. "Halos hindi ka na humihinga kanina kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko." rinig ko pang bulong niya at napapikit siya na tila ba nagpipigil ng galit.
"H'wag mo na ulit gagawin 'yon." naiinis na wika niya saakin. Nakita ko pa ang pag-igting ng kanyang mga panga na tila nagpipigil ng kung anong gagawin niya.
Nalilito naman akong napatingin sakanya. Gusto ko sanang magtanong ngunit hindi ko alam pero mas pinili ko nalang manahimik. Hindi ko rin naman alam kung anong nangyayare sa pagitan naming dalawa ni Kill.
May mga pagkakataong ganito ang nangyayare sa aming dalawa. May mga pag-uusap kami na tila maayos at maya-maya ay nauuwi sa hindi pagkakaintindihan kaya mas pinili ko nalang tumahimik. Ayokong magtalo kami ngayon dahil pakiramdam ko ay wala akong lakas. Tila pagod na pagod ako at mas gusto ko nalang mag-isa uli dahil ramdam ko pa rin ang pangungulila kay Shoun.
BINABASA MO ANG
Game Over
FantasyShe's no one. Her life is like a total mess but her bestfriend is still there for her no matter what. She used to be with him but like a love story in fairytales, a tragic incident happen that will lead with them to break apart. And like they alwa...