PADASKOL akong umupo sa damuhan na hindi masyadong nasisilawan ng liwanag. Malapit ng magtakipsilim ngunit wala akong plano na bumalik sa loob ng kastilyo.
Ilang minuto ko pang tinitigan ang papalubog na araw nang wala sa sariling napairap ako dahil sa naalala kong pag-uusap namin ni Kill kani-kanina lang.
He talk like a Captain if he's in the mood and he talk like a lover when his- am maybe when his insane? I didn't know but it gives me a shiver in my spine when I remember what my mind say a little while.
Pilit kong inabala ang sarili ko sa pagtitig sa papalubog na araw ngunit bumabalik pa rin sa aking isipan ang lahat ng mga ginagawa ko noong wala pa ako sa lugar na ito. Isa lang naman akong simpleng mamamayan na kailangan kumayod at magtrabaho araw-araw upang may maipambuhay ako sa aking sarili.
Hindi sumagi sa isipan ko na mapagdadaanan ko ang walang kwentang nangyayari sa buhay ko ngayon. Ang alam ko lang ay magtatrabaho lang ako buong buhay ko. Magpapaka pagod sa bakery kung saan ako nagta-trabaho. Makokontento sa mga biyaya na darating sa akin at magiging masaya. Kasama ang best friend ko. Kasama si Shoun.
Buong buhay ko hindi ko naisip ang mga magulang ko dahil matagal ko na silang hindi nakita. Simula ng bata pa ako ay ang lola ko lamang ang kasama ko. Siya ang gumabay at nagpalaki sa akin. Wala akong mga magulang at ni minsan ay hindi ko man lang sila nakita at nakilala kung meron man. Magmula noong namatay ang aking lola ay hindi ko din naisipan na hanapin ang mga magulang ko dahil kung may pakialam sila sa akin ay hahanapin nila ako.
Hindi ko maiwasang mapaisip.
Alam kaya nilang may anak silang babae? Hinahanap kaya nila ako? Alam kaya nilang buhay ako?
Sari-saring emosyon ang aking naramdaman ng sumagi sa isipan ko 'yon. Gusto kong umiyak at sumigaw dahil sa sakit ng loob ko ngunit wala akong magawa kundi kimkimin nalang ang lahat ng 'yon.
Gusto ko umalis sa lugar na ito. Gusto ko na bumalik.
Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko man lang namalayan na may umupo na sa tabi ko. Napatingin na lamang ako sa kanya ng bahagya siyang matawa habang nakatingin sa akin.
Si Lex.
"Ang lalim naman ng iniisip mo. Nakakalunod." natatawang wika niya habang inaayos ang dala niyang basket.
May plano pa yata siyang mag-picnic ngayong gabi.
Unti-unti ulit na nagbalik sa isip ko ang mga nangyare sa pagitan nila ni Kill. Ngunit himbis na mailang ako sa kanya dahil sa pag-amin niya, hindi ko maintindihan ngunit magaan pa rin ang loob ko tuwing nakikita ko ang nakangiti niyang mukha.
Sobrang gaan ng loob ko sa kanya kaya ang nabuong plano sa isipan ko noon na sapakin siya kapag nagkita kaming muli ay parang biglang naglaho. Tuwing malapit siya sa akin ay napaka pamilyar ng presensya niya. Tila ba matagal ko na siyang nakasama ngunit alam ko sa sarili kong dito ko lang siya nakita at nakilala.
BINABASA MO ANG
Game Over
FantasyShe's no one. Her life is like a total mess but her bestfriend is still there for her no matter what. She used to be with him but like a love story in fairytales, a tragic incident happen that will lead with them to break apart. And like they alwa...