GAME# 27

22 1 0
                                    


A/N: WARNING: Some slightly matured content.


Nanika's POV


Hindi ko alam kung anong nangyare pero naramdaman ko na lamang ang sarili kong nakahiga sa isang malambot na kama. Halos hindi ko maidilat ang aking mga mata dahil pakiramdam ko ay wala akong lakas para gawin 'yon. Sinubukan ko rin na gumalaw ngunit tila may pumipigil sa buong katawan ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko.


Huminga ako ng malalim bago ko igalaw ang mga braso ko ng maramdaman ko na may gumapang na kung ano sa may bandang bewang ko at mas humigpit pa ang pagkakaipit sa akin. Halos manlaki ang mga mata ko ng mapagtantong hindi lang ako ang nakahiga sa kamang 'to. May iba pa akong kasama at kasalukuyan itong nakayakap sa bewang ko. Ramdam ko ang init ng katawan niya dahil ramdam kong wala itong suot na pang itaas na damit at bukod sa suot kong pulang bra ay wala na akong suot na pang itaas.


Wait, WHAT!!


Shit!


Mabilis akong bumalikwas ng bangon. Itinukod ko ang kaliwang siko ko para makabangon sa pagkakahiga at para sana sipain ang pangahas na katabi ko ngunit halos mapangiwi ako ng maramdaman kong hindi ko kayang bumangon at halos hindi ko maramdaman ang buong katawan ko. Namilipit ako sa sakit nang bigla kong naramdaman ang labis na kirot sa bandang tyan ko at sa likod. Hindi ko rin maramdaman ang mga paa ko dahil na rin siguro sa natamo ko sa one-on-one battle namin ni Dwayne.


"Don't move. Mabibinat ang mga sugat mo." baritonong wika ng katabi ko habang mahigpit pa rin akong yakap nito na halos ayaw yata akong pakawalan sa paraan ng pagkakayakap niya. Mas naistatwa ako ng makilala ko kung kanino nanggagaling ang baritonong boses na 'yon.


Ilang minuto akong natulala ng mag sink in sa akin ang lahat ng kasalukuyang nangyayare sa akin. Nakahiga ako sa kama while wearing my upper under garment. Bukod doon ay ramdam ko rin ang init ng katawan ng lalaking nakayakap sa akin at he's half naked. And by hearing those baritone but familiar voice make me stiff in shock because that he is Kill for petes sake!


Damn it!


"I said don't move." may diing saad ulit ni Kill sa akin ng nagpumilit ulit akong bumangon.


Nagsalubong ang kilay ko dahil sa inis. "No.. I have to move." may diin ding wika ko sa kanya dahilan para bumangon siya ngunit hindi naman siya umalis sa kama. Umupo lang siya at sumandal sa head board ng king size bed kung nasaan kami ngayon at tinitigan ako ng masama.


Halos gusto ko namang ibaon ang sarili ko sa kailaliman ng lupa dahil sa sunod-sunod na kahihiyan na nararanasan ko.


"No." may pinalidad nitong pigil sa akin. "Hindi ka aalis. You're wounded and-"


"And you don't fucking care what will happen to me." I cut him off. Napahawak ako sa tyan ko ng may sumigid na naman na kirot doon ng umupo ako sa kama. Kita kong nakabalot na ng benda ang bahaging 'yon ng katawan ko at may benda rin ako sa kaliwang bahagi ng paa ko. Nalunasan na siguro ni Kacy ito kanina noong wala akong malay.

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon