GAME# 4

50 12 0
                                    


Chapter 4



Hindi pa din pumapasok ng maayos sa utak ko ang mga katagang sinabi saakin ng lalaking yun kanina. Tila ba umikot ang isip ko at nag-init ang ulo ko. Gusto ko umiyak pero hindi dapat ako magpakita dito ng kung ano mang emosyon.



Balak nilang gumawa ng grupong lalaban sa isang larong matagal ng pinahinto ilang taon na din ang dumaraan dahil ang larong 'yon ay isang walang kwentang laro at pagpatay lang ang isang paraan upang mabuhay sa loob ng larong 'yon. Kung sino man ang magtatagumpay at mas maraming myembro ang natira, maaari silang makalaya at meron ng magandang buhay ang naghihintay sakanila.



Pero paano ka mabubuhay ng maganda kung alam mong may mga pinatay ka para lang maasam ang lahat ng 'yon? Mga walang kaluluwa lang ang gagawa ng ganoon. Hindi ko kailangan 'yon dahil ayos na saakin ang simple at dati kong buhay kasama sila Shoun.



Balak nilang gumawa ng grupo na isasabak nila sa laban at kung mamalasin nga naman ako pa ang panghuling myembrong isasabak nila sa walang kwentang larong 'yon. Pero bakit ako pa? Para saakin napakawalang kwenta ng kakayahang mayroon ako. Ni hindi ko nga magamit para mabuhay ko ang sarili ko eh.



"Magiging maayos na din ang kaliwang paa mo mamaya. Pinahidan ko na ng mga halamang gamot at sinisiguro kong maya-maya ay bubuti na din ang pakiramdam mo."  nakangiting sambit ng babaeng kasalukuyang nag-aayos na ng mga ginamit niya saakin para magamot ang kaliwang paa ko.



Kanina bago umalis ang lalaking 'yon, pumasok ang isang babaeng sa tingin ko ay kasing tanda ko lang at inutusan niya ang babaeng ito na gamutin ang paa ko. Hindi ako nagmatigas dahil gusto ko na talagang makaalis dito at kailangan kong gumaling ng mas maaga upang makatakas.  



"Kung iniisip mong tumakas dito, h'wag mo ng subukan pa. Sobrang higpit ng mga bantay dito at tumingin ka sa kanang pulso mo."   wika niya kaya napatingin ko sa kanang pulso ko.



May tila ba may maliit na ilaw ang kumikislap dito at kulay berde ito. Sinubukan kong kuskusin ito upang mawala pero hindi ito naalis at mas lalo lamang itong naging matingkad na kulay berde.



"Yan ang palatandaang pag-aari na nila tayo. Kapag nagpumilit kang makatakas at gumawa ng hindi maganda dito, hindi mo magugustuhan ang sakit na mararamdaman mo. Naka monitor ang bawat isa saatin at kapag naramdaman nilang binabalak mong gumawa ng hindi maganda o tumakas man, may mararamdaman kang sakit na maaari mong ikamatay o maging dahilan para maparalisa ang buong katawan mo maghapon."     mahabang paliwanag niya kaya napapikit na lamang ako ng mariin.



So wala nga akong magagawa dito? Kailangan kong lumaban at mabuhay para makabalik kina Shoun?



Sila Shoun! Sana ay hindi sila nadakip at mapunta rito. Sana nasa maayos na lagay sila.


"Bakit ako pa ang napiling huling myembro? Walang kwenta ang kakayahan ko!"     nagngi-ngitngit na saad ko. Pinipigilan kong sumigaw at magalit dahil ayoko ng magsayang pa ng lakas. Parang ayoko na din gumalaw.



"Ikaw kasi ang magiging cier ng grupo dahil ikaw lang ang nakakaramdam ng panganib na maaaring dumating kapag nasa arena na tayo. Maaari mong maramdaman ang panganib kaya ikaw ang isa sa importanteng tao doon."   wika niya kaya napangisi ako.



A human shield? Gagawin nila akong human shield. How pathetic.


 Ang malas ko talaga.


"Nasa labas na ang mga kasama natin. Dahil isa ka na sa myembro ng gaganaping larong 'yon, makakasama ka na din namin na mag training. Ituturo ko mamaya kung saan ang kwarto mo. Mukhang magkalapit lang naman tayo ng kwarto eh."      masayang sambit niya.



Nakangiti siya pero hindi 'yon umaabot sa mga mata niya. Walang kinang ang mga mata niya kahit nakangiti siya.


Unti-unti kong nararamdaman ang pag-gaan ng kaliwang paa ko at ramdam kong wala na ang kirot nito. Magaling siyang manggamot.


"Oo na pala. Kacy nga pala ang pangalan ko. Healer ng grupo."   nakangiti paring saad niya.



May kanya kanyang mga tungkulin pala ang mga myembro ng grupo sa laro.



"Paano kayo napunta sa lugar na 'to?"   nakayukong saad ko. Mukha namang nasa maayos na pamumuhay siya at halata 'yon sakanya. Hindi ko maintindihan kong ano nangyari at nandirito siya.



"Nag-aaral ako sa bayan pero isang taon na 'yon nakararaan mula noong napunta ako rito. Sa eskwelahan kung saan ako nag-aaral, isa lamang ako sa limang dinakip ng mga rebeldeng nag aaklas at nagrerebelde sa bayan. Isa ako sa mga nadakip noong sinusubukan kong tumakas. Hindi ako nakalaban dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Hindi ko manlang mailigtas kahit sarili ko lang."     malungkot na sabi niya habang nakayuko.



Matagal na sila dito? At batay sa naiisip ko, mukhang sinasanay na nga sila ng husto para sa gaganaping walang kwentang larong 'yon dahil matagal na silang nadakip.



Anong gagawin ko? Kailangan kong makaalis dito pero paano? Nangako akong hihintayin ko si Shoun kahit ano mang mangyari. Nangako akong hindi ako mawawala sakanya pero paano ako makakaalis dito? Kailangan kong mabuhay at ituloy ang laro para makabalik sa dati kong buhay.


Gusto kong lumaya.





__________________________________________________________________

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon