GAME# 14

30 8 0
                                    





"Good morning Nanika!"    masiglang bati saakin ni Melo at naupo siya sa harapan ko. Nandito kami ngayon sa dining hall. Napaaga ako ng gising kaya dito na ako dumiretso bago ako tumungo sa training room.


Ilang araw naman na ang nakalipas at naghilom na ang mga sugat ko. Mabuti na din ang pakiramdam ko at kaya ko na ulit gumalaw at gumawa ng mga gawaing dati ko ding ginagawa. Noong una halos pa ako pakilusin nila Kacy at Dwayne pero nagpumilit na ako at nakita naman na din nilang kaya ko na kaya wala silang nagawa.


Sobra silang mag-alala at mas lalo naman kay Dwayne. Kulang nalang siya pa magbitbit ng mga armas na dala ko habang nagti-training.


"Good morning din Melo. Ang aga mo ah."   pagbati ko din sakanya.


Nginitian niya ako habang inaayos ang mga pagkain sa harapan niya.


"Ikaw yata ang dapat sabihan ko ng ganyan. Bakit ang aga mo? Alasais pa lang ng umaga ah? May problema ba?"   tanong niya habang abala pa rin siya sa pag-aayos ng pagkain sa harapan niya.


Napaisip din naman ako. Wala naman akong problema kaso hindi lang ako makatulog ng maayos dahil palaisipan pa rin saakin kung sino yung lalaking nasa panaginip ko. Sa araw na lumilipas, hindi pumapalya at laging kasama 'yon sa napapanaginipan ko kung kaya't nagigising na lamang ako kahit madaling araw pa lang at halos ayoko na bumalik sa pagtulog.


Tumingin na lamang ako sa mga pagkaing nasa harapan ko at kumuha na ako para matapos na agad akong mag-almusal.


"Wala naman akong problema. Maaga talaga ako lagi gumigising" palusot ko nalang.

Bukod sa panaginip kong 'yon, may iba pa akong iniisip. Sa mga nakalipas na araw kasi napansin kong hindi ko nakikita si Kill na nagti training. Hindi ko din siya makita sa training room o kaya sa buong lugar na ito kaya nakakapagtaka.


Siya ang captain hindi ba? Bakit palagi siyang wala?


Mula noong nakabalik kami dito at mula noong nakalabas ako sa ospital hindi ko na siya makita.


Ano na kayang nangyare don? Ayos lang kaya siya?



Inumpisahan ko ng kumain ng agahan at mabilis akong tumayo ng matapos na akong kumain. Itinabi ko nalamang ang mga pinagkainan ko sa lamesa dahil maya-maya naman ay liligpitin na din ito ng mga katiwala dito sa lugar na 'to.


Akmang maglalakad na ako ng bigla akong tawagin ni Melo kaya napalingon ako sakanya.


"Punta ka na sa training room Nanika! Good luck!"   wika ni Melo kaya nagtaka ako. Anong gagawin ko doon? Balak ko sanang magpunta sa hardin para marelax ako kahit papaano kaso nga lang tila ba may sariling isip ang mga paa ko kaya natagpuan ko nalang ang sarili ko sa tapat ng sinasabing lugar ni Melo.

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon