Nanika's POV
Napatingin ako sa harapan ko at tila ba may bumarang kung ano sa lalamunan ko kaya hindi ko mapigilang mapalunok.
Anong klaseng gubat ito?
Ibang iba ang itsura nito sa totoong gubat dahil ang gubat na nakikita ko ay parang isinumpa. May makapal na fog na nakapalibot sa mismong gubat at itim ang kalangitang nasa ibabaw nito kaya nagmistulang gabi ang bahagi nito. Ibang iba sa kasalukuyang kinatatayuan namin ni Kill.
"Once you enter in that forest, your ability will be vanish." wika ni Kill kaya napalunok nanaman ako.
Bat mawawala? Paano kung may halimaw sa loob niyan at sobrang lakas? Paano naman malalabanan ng wala kaming mahika?
Oh geez! Pwedeng magback out?
Kaya naman pala kung maka good luck at makapagsabi saamin si Admiral Shin ng sana makabalik kami ng buhay, wagas!
"Wag kang lalayo saakin Nanika. Ayoko ng tatanga-tanga maliwanag?" wika niya ulit at naglakad na papasok ng gubat kaya kahit ayaw ko tumuloy, wala akong magawa dahil kailangan namin makuha ang halamang 'yon.
Nasa likod lang ako ni Kill at ng makatapak ako sa mismong looban ng gubat ay tila naistatwa ako ng may tila nawala saakin. Tuloy tuloy lang ang paglakad ni Kill kaya nakasunod lamang ako sa likuran niya.
Nakakakilabot ang loob ng gubat. Halos hindi ko makita ang paa ko sa kapal ng fog na natatapakan namin ngayon. Nagpalinga linga din ako at puro lamang nakakatakot na puno ang nakkikita ko.
Hindi na talaga ako magtataka kung may biglang magpakita saamin ditong kakaiba at nakakatakot na nilalang.
Ang creepy dito sheyt!
Ilang oras pa kaming nagpatuloy sa paglalakad at halos wala na talaga akong lakas kaya bigla na lamang akong umupo sa nadaanan naming malaking ugat ng puno sa sobrang pagod ko.
"Captain. Hindi ko na kaya." wika ko habang tinitignan ko lang siyang naglalakad pa rin.
"Captain magpahinga muna tayo!" sigaw ko dahil baka hindi niya narinig ang sinabi ko kanina.
Lumingon siya saakin at nanlaki ang mga mata niya.
Teka? Bakit? May dumi ba ako sa mukha? Naging tatlo ba mata ko?
"Nanika. Don't move." bulong niya.
Tila nagsitaasan naman ang balahibo ko ng mapagtanto kong may kakaiba sa likod ko.
Goossh! Ano 'yon?!
"C-captain. Bakit? A-anong nangyayare?" wika ko ng walang lumalabas na ingay sa bibig ko. Humahakbang lang siya palapit saakin at bakas sa mukha niya ang takot habang nakatingin sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
Game Over
FantasíaShe's no one. Her life is like a total mess but her bestfriend is still there for her no matter what. She used to be with him but like a love story in fairytales, a tragic incident happen that will lead with them to break apart. And like they alwa...