GAME# 28

23 2 0
                                    


Pumasok ako sa loob ng kastilyo para maghanda at mag-ayos para umabot ako sa tamang oras ng breakfast sa Hall. Ilang minuto lamang ang aking inilaan at tuluyan na akong umalis. Halos naroon na ang buong grupo ng dumating ako. Kumpleto kami sa unang pagkakataon matapos ang ilang linggo.


Umupo ako sa aking pwesto kung saan nakasanayan ko na ang pwestong 'yon. Napatingin ako sa ibang member. Kacy mumbled a 'good morning' same as Dwayne. I just nod to greet them back bago ako magsimulang kumain.


Nasa kabilang side si Kill ngunit alam kong nakatingin lang siya sa akin at ramdam kong may kung ano ang paraan ng pagtitig niya pero tulad ng dati wala siyang sinabi sa akin. Nitong nagdaang linggo ay nararamdaman ko 'yon- umiiwas siya sa akin.


Nagising ako noong umagang 'yon na halos hindi ko maigalaw ang buong katawan ko ngunit nagpumilit ako. Hindi na siya bumalik sa kwarto niya magdamag simula noong umalis siya. Kahit masakit ang buong katawan ko ay pinilit kong tumayo para makaalis sa loob ng silid niya. Suot ang padjama na nakasuot sa akin at naghanap ako ng maayos na damit sa loob ng closet niya. Isinuot ko ang damit niya at hindi ko mapigilang mamula ng maamoy ko ang pamilyar na amoy niya sa damit na kinuha ko.


Paika-ika pa akong lumabas sa loob ng silid niya. Habang marahan akong naglalakad ay hindi ko mapigilang mapangiwi dahil sa kirot na nararamdaman ko.


Masyado talaga akong nabugbog sa laban namin ni Dwayne ng panahon na 'yon.


Mabilis ding lumipas ang araw at ramdam kong may kakaiba. Bukod sa pag-iwas sa akin ni Kill simula noong gabing 'yon ay mas naging nakapagtataka pa ang mga ikinikilos ng ibang myembro.


Katatapos lang ng training namin kahapon na nakafocus sa ability ni Melo. Hindi 'yon naging madali. Kahit pa ilang beses ko siyang nakasama sa mga trainings, mahirap parin na iwasan at i-counter ang lahat ng pag-atake niya.


Nang matapos akong kumain ay nagmadali akong umalis sa Dining Hall. Wala akong gana na magtagal pa doon ng ilan pang sandali. Bukod na rin sa pagtitig ni Kill sa akin, ayoko lang talagang magtagal na makasama pa siya.



Hindi na niya ako pinapagalitan tuwing nagkakamali ako sa aming training, hindi niya na ako pinagsasabihan tuwing nali late ako sa mga training at wala din siyang pakialam kung hindi man ako sumipot sa mga training namin. He would not talk to me like I was just an air in this place.


Pilit ko itong hindi pinapansin.


Hindi na dapat ako magtaka. Bakit pa nga ba ako mag-aabalang papansinin niya pa ako mula noong nangyare ang gabing 'yon? Ano pa ba ang aasahan ko? Na magbabago ng tingin niya sa akin matapos ang mainit na halik na iyon? Na sincere siya sa mga ginawa at sinabi niya ng gabing 'yon?


Tanga mo Nanika. Sana naman alam ko pa kung bakit ako naririto sa lugar na 'to. I would end up being crap if I continue this stupid feeling between me and Kill.


-Kasalukuyan akong nasa roof top ng kastilyo ng mapatingin ako sa ibaba. Kitang-kita ko ang isang lalaki na naglalakad na tila ba isang hari kung tumindig. Nakasuot ito ng mahabang puting cloak at may mga ilang kawal na yumuyuko kapag dumadaan ito sa harapan nila.

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon