GAME# 23

14 2 0
                                    


"Shoun"


Sambit kong muli sa pangalan niya habang umiiyak. Lahat ng sakit at galit ko napalitan ng saya at sa sobrang saya ng aking nararamdaman ay hindi ko mapigilang mapaiyak. His familiar smile and presence gave me a sudden wave of comfort and the feel of being home and safe.


Wala na akong pakialam sa nangyayare sa paligid ngayon ang importante ay nandito na siya sa harapan ko. Isinantabi ko na ang mga iniisip ko at muli kong pinakatitigan ang mukha niyang gustong gusto ko na makita. Hindi pa rin siya nagbabago. Mula sa matatangos niyang ilong at sa maputi niyang mukha na pinaresan ng mga matang may mahahabang pilik mata at makapal na kilay. Si Shoun pa rin ang lalaking gusto ko makasama. Ang bestfriend ko.


"Sa wakas nahanap na kita. Namiss kita Nanika."


Pinagmasdan ko pa si Shoun. Mas sumingkit pa ang mga mata niya ng ngitian niya ako dahil sa pagkatulala ko sa harapan niya. Inayos niya ang nakatabing na buhok ko na nasa mukha ko at inilagay niya 'yon sa likod ng tenga ko. Hinawakan niya ang mukha ko at naramdaman kong tinutuyo niya ang mga luha kong kanina pa umaagos gamit ang kanyang palad.


"Bakit ka ba umiiyak? Nandito na ako Nanika. Hindi na tayo magkakalayo pa." nakangiti niyang sambit habang nakatitig sa mga mata ko. Ramdam kong may mali ngunit hindi ko alam kung ano nga ba 'yon. Hindi ko na alam ang nangyayare. At wala na akong pakialam.


Alam kong may mali pero katangahan nga ba kung gusto ko ang nangyayare ngayon? Gustong gusto kong makita ang mukha ni Shoun.


"Tara." masigla niyang wika at hinatak niya ako sa isang pamilyar na bahay. Natatandaan ko ang bahay na 'yon dahil halos doon na rin ako tumira. May kalumaan na ang bahay nila pero napakaganda pa rin nito dahil sa mga bulaklak na nakatanim sa paligid nito. Napansin kong halos puti na ang mga bulaklak na nakapaligid sa bahay na noon ay iba't ibang kulay ang mga nakatanim. Amoy na amoy ko rin ang mga sampaguita na nakatanim sa gilid pagkapasok namin sa maliit na bakod at nagsisilbing gate sa harapan ng bahay nila.


"Nanika." kalmado paring boses ni Shoun. "Sumama ka na sakin."


Lito akong napatingin sa kanya. Nakangiti siya ngunit bakas sa mukha niya na may mali talaga. Pinakatitigan ko pa ang mata niya ng mapansin kong tila nag-iba na ito. Ang dating kulay tsokolateng mga mata niya ay ngayo'y may tila pagkapula kapag natitigan ng malapitan. Umatras ako ng isang hakbang habang nakatitig pa rin sa mukha niya at napansin kong tila bumalik muli ang dating kulay ng mga mata niya. Sa pagkakataong 'yon ay nalaman ko talagang may mali.


"Sumama ka na sakin."  mahinahong wika niya muli kaya hindi ko mapigilang maiyak. Ang tagal kong hinintay muli na marinig ang boses niya. Ang tagal kong hinintay na makita siya ulit.


Nakangiti akong humakbang palapit sakanya at pikit mata kong pinagdikit ang noo naming dalawa. Sobrang sakit pero gusto ko lang siya makasama. Gusto ko uli siyang maramdaman na malapit saakin at handa akong pakalmahin kapag nasasaktan na ako ng sobra.


"Nika bumalik ka na." napadilat ako ng marinig ko ang sinabi niya. Nakangiti siya saakin kaya napakunot ang noo ko ng marinig ko ang sinabi niya saakin. "Huwag kang manatili sa kanya Nanika! Bumalik ka na. Bumalik ka na sakin."

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon