GAME# 22

22 3 0
                                    


Nanika's POV


Inis akong naglalakad mag-isa patungo sa tahimik at medyo malayong parte ng bayan. Gusto ko umiyak. Gusto ko sumigaw dahil gusto kong pakawalan ang sakit at inis na nararamdaman ko.


Dapat ay paalis na kami sa bayan. Medyo nahirapan pa kaming pakalmahin ang kapatid ni Kill dahil ayaw nitong paalisin pa ang kuya niya. Ilang oras pa ang ginugol namin para kausapin ito at ipaintindi na kailangan namin umalis at babalik pa naman si Kill. Hindi ko din maiwasang mapaluha ng masagi sa isipan ko na kung makakabalik pa ba kami ng magkakasama o may mawawala. That is a survival game after all kaya kalahating porsyento ang nalalagi kung makakalabas pa ba kami ng buhay doon o hindi matapos ang extermination.



Kitang kita ko rin ang sakit at lungkot sa mga mata ni Fria nang magpasya na kaming aalis. Umiiyak siya habang nakatitig sa natutulog niyang ina at kasalukuyang wala pa ring malay. Ang akala ko ay nagkasundo na kami ni Kill noong una. Ang akala ko sasamahan niya akong makabalik sa isinumpang gubat na 'yon dahil may importante akong babalikan doon pero ng sabihin ko kaninang pupunta muna ako doon bago kami bumalik ay hindi nanaman kami nagkasundo. Nagkasigawan kami at ayoko ng alalahanin ang mga masasakit na salitang nasabi ko sakanya.


'Yon naman talaga ang dahilan kaya ako lumabas ng border para bumalik sa isinumpang gubat at hanapin ang napakahalagang bagay na nawawala saakin. Nagsisisi tuloy ako kung bakit pumayag pa akong sumama siya. Naiinis ako.


Unti-unting bumagal ang aking paglalakad ng maramdaman kong nakalayo na ako sa bayan at nakalayo na ako sakanila. Ayoko munang sumabay sa kanila at wala akong planong bumalik hangga't hindi ko nahahanap ang bagay na 'yon.



Importante 'yon saakin. 'Yon nalang ang bagay na nagpapaalala saaking nanjan parati si Shoun at hindi ako iiwan. Babalikan niya ako. Paniguradong hinahanap niya ako. Umaasa ako sa pangako niyang hahanapin niya ako at hihintayin ko siya kahit gaano pa katagal.



Huminga muna ako ng malalim bago ako muling bumaling sa daang tinatahak ko. Buo na ang pasya kong bumalik sa isinumpang gubat na 'yon ng mag-isa. Wala akong pakialam kung may mangyareng masama saakin ang importante mahanap ko lang 'yon. May takot akong nararamdaman ngunit isinantabi ko 'yon. Pupunta ako doon kahit wala si Kill at kahit wala akong kasama. Sarili ko nalang ang maaasahan ko sa ngayon dahil alam kong simula pa lang, wala akong maaasahan kundi sarili ko lang.



Ilang minuto pa ang lumipas ng may naramdaman akong tila may nakasunod saakin. Pinakiramdaman ko pa at hindi nga ako nagkakamali. May sumusunod saakin at alam kong hindi si Kill 'yon o si Fria. Hindi pamilyar ang awrang nakapalibot dito kaya hindi ko maiwasang hindi mataranta.


Sino siya?



Huminto ako sa paglalakad at bumaling ako sa daang tinahak ko kanina. Maya-maya pa ay nakita ko na kung sino nga ba ang nakasunod saakin. May suot itong itim na cloak at bahagyang natatakpan ang kabuuan ng mukha niya at katawan. Dahan dahan itong naglalakad at dire-diretso lamang papunta sa kinaroroonan ko ngayon. Sino siya?

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon