Chap. 26

4.8K 48 0
                                    

"Ay na ko! basta ako, kukunin ko ulit si Eurika lalo't nandyan na 'yung boyfriend niyang kapangalan mo pa!"

"Tumigil ka nga, babe. 'Yaan mo si Justin ang mag-isip kung anong gagawin niya. 'Wag mo siyang pangunahan,"

"Sus! 'wag ka nga! tigilan mo din ako!"

Pinagmasdan na lang ni Justin ang mag-asawang sila Francine at Curt na nagtatalo dahil sa kanya. Nandito kasi siya sa bahay ng mag-asawa, hindi niya alam kung ano 'yung gagawin niya nang makita niyang masayang namimili sa grocery store si Eurika at 'yung kapangalan niyang boyfriend nito. Kanina kasi dumaan siya para kamustahin ulit si Eurika kaso andun pala 'yung lalaki kaya hindi muna siya nanggulo.

"Tsee! Basta boto ako kay Justin kesa dun sa Jaztin na 'yun!"

Tumayo na si Justin na ikinatigil nang dalawa, "Aalis na 'ko, salamat sa pakikinig sa'kin." seryosong paalam niya saka siya lumabas nang kabahayan.

Basta gagawin niya ang lahat makuha lang ulit si Eurika sa lalaking 'yon.

KINAGABIHAN pagtapos ng meeting ni Justin, dumiretso siya sa flower shop upang bumili ng paboritong bulaklak ni Eurika.

Wala siyang pakealam kung nandun 'yung lalaki, hindi papayag na ganun na lang.

Makalipas nang ilang minuto nasa tapat na siya ng unit ng babae.

"Hi." nakangiti niyang sabi nang pagbuksan ni Eurika nang pintuan siya. Agad naman sumimangot naman ito sa kanya saka tangkang isarado 'yung pinto 'buti na lang at hinarang nya 'yung kamay niya.

"Aw!" daing ni Justin nang maipit ito. Inis na binuksan agad ni Eurika ang pintuan, "Ayan kasi, ayaw mo pang umalis dito!"

"E sa ayoko, ba't ba?"

Humingi ng malalim si Eurika at tumingin sa binata, "Please lang... umalis ka na dito, 'yoko madatnan ka pa ni Jaztin."

"So? i don't care." makulit talaga si Justin at tuluyang pumasok sa loob nang unit ni Eurika.

"Ano ka ba Justin?! nakakaintindi ka ba? 'di ka nga pwede dito!" hindi naman nakinig si Justin saka naupo 'to sa sofa at nilapag ang bouquet sa glass table sa sala.

"Justin, please. Nakikiusap ako, umalis ka---"

"Hon, tapos na 'ko sa shower, ikaw--anung ginagawa niyan dito?" napamura si Eurika sa isipan niya, ito na 'yung problema niya ang magkaharap na naman ang dalawa.

"Just visiting my, wife." Sagot ni Justin, humakbang palapit si Jaztin sa kanya tas kinuwelyohan. Lumapit naman si Eurika, "Jaztin!" pigil nito.

"Your wife, huh? G*go ka ba?! matagal na kayong hiwalay! annulled na kayo kaya wala ka nang karapatan pa sa kanya!!"

Hinila ni Eurika si Jaztin sa makulit na si Justin pero 'di niya talaga kinakaya, ang lalakas nila.

"Yeah. Pero kaya ko siyang ibalik sa'ken, i want my wife's back from me!" nang-gigil naman si Jaztin na hinigpitan ang pagkakahawak nito sa kwelyo niya.

"G*go ka talaga!" at binigyan nang sapak sa kaliwang panga si Justin. Napatili naman si Eurika dahil gumanti na 'din ng sapak 'to.

"Tumigil na kayo! Justin, Jaztin! please, tumigil na kayo!" Malakas na sigaw ni Eurika pero 'di pa rin natinag ang dalawa na magsapakan.

Kinuha na lang ni Eurika ang phone niya saka nag-dial para tawagin ang security guard sa baba. Agad naman 'tong naka-akyat kasama ang tatlo pang lalaki na pawang gan'on din.

"Tigilan nyo 'ko! mapapatay ko 'yang hayop na 'yan!" sigaw ni Jaztin. Hawak-hawak naman ni Justin ang labi niya na pumutok dahil sa sapakan nila. Pa'no kasi hawak ng dalawang lalaki si Jaztin at gan'on din ang isa.

Hindi kinaya ni Eurika ang sumigaw baka kasi makasama sa dinadala niya, nung pinilit niya kaseng pumagitna muntik na syang matumba dahil tinabig siya ni Jaztin sa gilid.

"Sir, kung wala kayong balak tumigil, ipapadala ko na lang kayo sa prisinto." Sabi nang security guard. Natauhan naman ang dalawa saka tinignan ako, "Sorry, hon."

Ngumiti si Eurika sakanya at saka tumingin kay Justin, "Ikaw, umuwi ka na, wag ka nang bumalik dito. Wag ka nang manggulo, please lang."

"Bakit? hindi naman, ah. Sino bang nagsabi na nang-gugulo ako, i'm here because i want my wife's back. Na unang naging sa'ken." nakangisi nyang sabi kay Eurika saka kay Jaztin, Nang-gigil na naman si Jaztin at akmang susugurin ulit nang umawat na 'yung mga guard.

"O, ano mga sir? prisinto na ba tayo?" tanung nang isa sa mga lalaking tinawagan niya. 

"I'm going back, bye, my loves." nakangiting sabi ni Justin kay Eurika saka 'to lumabas na nang unit. Nakahinga naman 'to ng maluwag.

"Maraming salamat sainyo,kung hindi kayo dumating baka kung ano na nangyare dito." sabi niya sa mga tinawag nyang security.

"Welcome ma'am basta next time 'andito pa din kame, tawagan nyo lang kami." Sagot nito sa kanya saka lumabas na. Naiwan na lang sila Eurika at Jaztin.

"Patingin nga 'ko kung may sugat ka," sinipat nito ang mukha ng kasintahan, "Tamo, may sugat ka tuloy. Hays,"

Tinitigan lamang ni Jaztin ang kasintahan saka biglang hinawakan sa pisngi, "Hindi mo naman ako ipagpapalit sa kanya, di ba?"

Napatigil si Eurika at tinignan ang kaharap nya, "Shempre naman, ikaw na ang mahal ko ngayon. Hinding-hindi kita ipagpapalit sa kanya." Ngumiti ang binata ng malapad at ginawaran nang halik 'to.

"O'sha, gamutin na natin 'yang sugat mo, nako! nabawasan tuloy 'yung kapogian mo."

Tumawa naman sya, "Really? Edi ipagpapalit mo na 'ko nyan." Mabilis na umiling si Eurika, "Hala! 'di noh! Kahit na pangit ka o magmuka ka nang bakulaw, mamahalin pa din kita!"

"Ano 'yung bakulaw?"

Natawa naman si Eurika, "It means, pangit, mukang monster ang muka!" Tumango-tango naman si Jaztin sa kanya.

Kinuha ni Eurika ang medicine kit nya saka inumpisahan gamutin ang sugat at pasa sa muka ni Jaztin.

"Hon, nung wala ba 'ko, nilapitan or kinausap ka ba nung ex-husband mo?" Biglang napahinto si Eurika sa ginagawa nya, hindi nya alam ang isasagot nya dahil mas higit pa do'n ang nangyari.

"Kinausap nya lang ako, 'yun lang." pagsisinungaling nya sa binata, tumango naman 'to sakanya, "Good, 'wag ka nang makipag-usap sakanya. Okay?"

Mabilis na umo-o si Eurika at pagkawa'y nagsalita sa isip, "Hinding-hindi na talaga, tama na 'tong nagbunga sa'ming dalawa."

Pero 'di nya alam kung pa'no sasabihin kay Jaztin na may nangyari sa kanila ng kanyang dating asawa. Nababaliw na sya nakaraang linggo pa. Lalo't nandito na ulit ang kanyang kasintahan. Malalaman at malalaman nito ang nangyari kailangan nya 'tong maunahan, alam nyang magagalit 'to pero bahala na.

"Gamutin mo na 'ko, dito 'yung sugat oh," pagdradrama naman ni Jaztin. Natawa na lang 'to sakanya at binalik ang pag-gagamot sa muka nito.

"Mahal na mahal kita, tandaan mo 'yan." Sabi ni Eurika sa kaharap niya. Nag smile si Jaztin, "I love you too, hon."

Naiiyak si Eurika habang sinusulyapan nya ang nakangiting binata sa kanya, nasasaktan sya dahil nagsinungaling sya at niloko nya 'to.

Married to Mr. Sex Addict (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon