"Alis na 'ko, hon. Nag-text na 'ko kay Tiffany." Paalam ni Eurika sa binata, ginawaran sya naman nito ng halik.
"Bumalik ka ah, after mo makipag-kita sakanya. Dalawang oras na lang, aalis na tayo." Paalala nito.
"Opo," Nakangiting sagot ni Eurika saka lumabas na ng unit. Sakto naman nag-reply ang kaibigan nya.
"Magkita tayo sa Raven Hill Cafe." Basa nya sa text nito. Nagtaka naman sya akala nya ba sa Blitz Cafe sila magkikita, iniba na ata nito. Nag-reply na lang sya ng 'Sige' saka nagpara nang taxi. Mejo malayo ang Cafe na sinasabi nito dahil tabi ito nang mga warehouse.
'Di nya alam may naka-abang na nang panganib sakanya. After nang 15 mins na byahe nakarating na rin sya.
"Keep the change, manong." Sabi nya saka lumabas na nang taxi. Nag-text naman sya na nando'n na sya sa Cafe pero 'di na 'to nagre-reply. Kaya naisipan nyang pumasok sa loob nang Cafe.
"Labas ka, andito ako sa may gilid nang Cafe, sa may warehouse." Text nito sakanya, nangunot ang noo nya. Anong kabaliwan nanaman ang trip ng kaibigan nya?
Napangiwi na lang sya saka sinunod 'to, pagkalabas nya tumingin sya paligid, walang katao-tao. Mejo nakaramdam sya nang uneasy feeling ngayon. 'Di nya alam kung baket.
Magte-text na sana sya kaso biglang may nagtakip sa bibig nya, 'di sya makahinga sa naamoy nya. Unti-unti na din umiikot ang paningin nya,pero bago pa sya mawalan nang malay nahagip nya ang muka ng isang binata.
"Justin..." at saka sya nawalan ng ulirat.
NAPAMULAT sya ng mata nang maramdaman nyang may humahaplos sa pisngi nya.
"Justin?" Salubong nya saka tumingin sa paligid, "Nasa'n ako?!" Gulat na sabi nito saka napabangon. 'Di naman sya pinansin ng binata dahil tumayo 'to at inayos ang pagkain.
"Kumain ka na, loves. Naging mahaba ang byahe natin kanina." Sabi nito, umiling sya, "Nasa'n ako?! Nasa'n na tayo?!" Sigaw nya. Lumapit si Eurika sa binata saka pinaghahampas sa dibdib.
"Walang hiya ka!! hay*p ka!" Walang tigil nyang hinahampas 'to sa dibdib, "Wala nang magagawa 'yan, nasa Batangas tayo. 'Di na nila tayo mahahanap, dito tayo bubuo nang pamilya kasama ang anak natin." do'n napatigil si Eurika, "A-alam mo na?"
Ngumisi ang binata, "Balak mo palang umalis kasama 'yun? at dala-dala mo pa ang anak naten? Wala kang balak na ipaalam man lang sa'ken?" Galit na sabi ni Justin.
"Hindi ka na makakatakas sa'ken, dito ka lang. Magsasama tayo habambuhay," Hinampas nya na naman ito, "Walang hiya ka talaga!! tigilan mo na 'ko! Matagal na tayong hiwalay, 'di na kita mahal!!!" Sigaw nya. Hinawakan naman sya ni Justin sa braso saka sapilitan inupo sa kama.
"I don't f*cking care! Dito ka lang!" Singhal nang binata saka lumabas nang kwarto,narinig nyang ni-lock pa 'yung pintuan. Dali naman syang tumakbo do'n at pinukpok.
"Justin!! palabasin mo 'ko! Hay*p ka! 'di na kita kilala!!" Malakas na sigaw nya, alam nyang naririnig sya nito.
Nanlulumo syang napaupo sa sahig habang naiyak, alam nyang nag-aalala na si Jaztin sakanya. Gabing-gabi na, 11:45 na pala. Wala na 'yung balak nilang umalis. Ba't nakay Justin din ang cellphone ni Tiffany? pati sya ay nag-a-alala sa kalagayan ng kaibigan.
Kailangan nyang makaisip nang paraan upang makatakas dito.
**********
"F*ck! Sa'n nya dinala si Eurika?!" Singhal ni Jaztin kila Nadine at Shaina, nasa hospital sila ngayon dahil sinugod dito si Tiffany na walang malay at may sugat sa ulo.
Kabadong lumapit si Shaina, "Kuya Jaztin, 'wag po kayo masyadong kabahan, kailangan natin malaman kung sa'n tinago ni Kuya Justin si ate Eurika..."
Galit na naupo si Jaztin, "Sana sinamahan ko na lang sya para walang nangyare sakanya ngayon! Tang*na! makita ko lang 'yung gag*ng 'yon, mapapatay ko sya!"
Biglang dumating 'yung doctor na tumingin kay Tiffany, "Anong balita, doc? Okay na po ba sya?" Tanung ni Shaina. Tinanggal ng doctor 'yung suot nyang mask.
"She's fine now, any minute magigising na sya. 'Buti na lang at 'di masyadong malaki ang sugat nya dahil sa pagkakapukpok. Pwede nyo na syang puntahan," Sabi nito.
"Salamat, doc." Sabi ni Jaztin at iniwan na sila. Pumasok naman silang tatlo sa loob ng kwarto, tulog pa din si Tiffany at may benda sa ulo. Gigil pa rin hanggang ngayon dahil wala paring balita kung nasa'n si Eurika. Sa yaman ni Justin madaming ari-arian 'to. Baka isa sa mga do'n ang kinatataguan nito.
"G-gising na si ate Tiffany!" Sabi ni Nadine, dali-dali silang lumapit. Nakita naman agad ni Tiffany ang tatlong tao sa harapan nya.
"Sa'n ako?" Nanghihinang tanong nito. "Nasa ospital ka, may tama kasi ka sa ulo nong nakita ka namin sa office." si Shaina.
"Si Eurika... nasa panganib sya," Sabi ni Tiffany, "Kinuha na sya ni Justin." Sabat ni Jaztin habang nakakuyom ang kamay. Nanghina naman ang dalaga sa nalaman, "Sasaktan sya ni Justin, iligtas nyo sya. 'Di na sya ibabalik satin. Tulungan natin ang kaibigan ko."
"Alam mo ba kung sa'n dinala ni Justin si Eurika?" Tanong ng binata. Umiling naman si Tiffany sa kanya, "Wala akong idea kung sa'n pero alam ko sa mga lugar 'yun na pagmamay-ari nya."
Nanigas ang panga ni Jaztin, "Subukan nyang saktan si Eurika, g*go sya! mapapatay ko sya!"
Natahimik si Tiffany, "J-jaztin... may kailangan kang malaman..." Awtomatikong napatingin ang tatlo sakanya.
"Ano 'yon?" Nagtatakang tanong ni Jaztin. Huminga muna nang malalim si Tiffany, "B-buntis si Eurika, si J-justin ang ama n'yon." Napatigil ang binata sa nalaman pati na rin ang magpinsan.
"Matagal na syang buntis, bago ka pa dumating dito. Lasing sya non nung may nangyare sa kanila, alam kong mali ang ginawa nya pero wag mo syang hayaan na mapunta kay Justin. Ikaw na ang mahal nya, ramdam ko 'yon, 'yung nangyare sa kanila isang pagkakamali na lang 'yon. Please, Jaztin... ibalik mo si Eurika dito." Naiyak na siwalat ng dalaga sa kanila. 'Di alam ng binata kung ano ang sasabihin nya. Masyadong nagulat at mas nasaktan sya sa nalaman.
"Jaztin..." Sabi ni Tiffany pero nanatiling tulala 'to. Maya-maya bigla na lang lumabas ang binata na walang pasabi. Hahabulin sana nila Nadine at Shaina pero pinigilan sila ng dalaga, "Hayaan nyo muna sya."
***********
NAHIHILONG napayuko si Jaztin sa counter nang bar, masyadong marami na syang nainom. 'Di pa rin nya matanggap ang nalaman nya. Napasakit para sakanya dahil mahal na mahal nya ang babaeng 'yon, akala nya masaya na sila pero 'di pa pala. Ang mas worst pa ay nakuha 'to nang unang asawa nito, anung laban nya? nabuntis nang lalaking 'yon ang mahal nyang babae.
"Hey!" Napatingala ang binata nang biglang may lumapit sakanyang babae, maganda 'to pero alam nyang 'di 'to matinong babae.
"Let's have some fun," Malanding hinipo nito ang balikat nya pababa sa kamay nya pero tinabig nya lang 'yon, "Get out." Utos nya. Napasimangot naman ang babae saka tumalikod at umalis.
"Isa pa nga!" Utos nya sa bartender, pero bago nya pa 'yun malagok biglang tumunog ang phone nya. Sinagot nya 'yon.
"Sir, may lead na po kung sa'n tinatago ni mr. Chua ang fiancé nyo." Bungad na balita nang pulis na kinausap nya kanina. Hinilamos nya muna ang muka nya saka sya sumagot, "Sa'n?"
"Sa Batangas po, sir. Isang resort na pagmamay-ari nya, may mga witness pong nakakita sa pagpunta nya do'n, naghahanda na po ang mga kasama ko, pupunta na po ba tayo do'n?" Huminga sya ng malalim, kahit na may kasalanan na nagawa si Eurika 'di nya pwedeng sukuan na lang 'to, lalo't inalok nya na 'to nang kasal. Masyadong mahal nya ang babae para lang agad 'tong bitawan.
"O'sige, in a minute, nanjan na ko sa prisinto." At pinatay nya na ang tawag, dali-dali nyang binayaran ang mga nainom nya at lumabas na ng bar.
Parating na 'ko, Eurika. Ililigtas na kita.

BINABASA MO ANG
Married to Mr. Sex Addict (COMPLETED)
RomansaPaano kung kinasal ka sa isang lalaking mahilig sa sex?