Epilogue

7.4K 72 30
                                    

Author's Note: Last chapter na ito! Sana po magustuhan nyo. ♡

*********

LUMUHOD si Eurika kasabay non ang paglagay ng bulaklak sa ibabaw nang puntod, malapad syang ngumiti saka hinawakan 'yon.

"Kamusta ka na? Sorry ngayon lang ako naka-dalaw ah, na-busy kasi ako sa tinayo kong business, e. Saka jetlag pa 'ko galing NY." Kwento nya, saka pinunasan ang munting luha nya sa mata. Ngumiti sya ulit, "Syanga pala, matutuwa ka sa kasama ko ngayon." Dagdag nya pa.

"Flynn! 'Lika nga dito!" Tawag nya sa isang batang lalaki na busy sa pakikipag-usap sa isang batang babae mejo kalayuan sa pwesto nya. Kamot ulo naman 'tong tumakbo papunta sa kanya.

"Ano po 'yon? busy ako, e." Sabi nito nang makalapit, "Lika dito, ipapakilala kita sa daddy Justin mo." Naupo nang indian sit ang bata saka tumingin sa puntod.

"Justin Flynn Chua?" Basa nito, "Ba't kapangalan ko po sya, mom?" Takang tanong nito. 

Hinawakan ni Eurika ang pisngi nang anak nya, "Because, sya 'yung totoo mo'ng daddy." Nangunot ang noo nito.
"Huh?" Natawa na lang sya saka pinisil ang mga pisngi nito.

"Sya ang anak natin, Justin. Kamukang-kamuka mo no? Mula sa mata hanggang sa labi sayong-sayo. He's 7 years old now. It's been 8 years simula nung huling dumalaw kame dito. And you know, i'm three months pregnant." Kwento nya pa. Nagtatakang tinititigan ng bata ang nanay nyang nagsasalita sa lupa.

Nang matapos kasi ang libing ni Justin ay agad na lumipad pabalik sa NY sila Eurika para na rin ituloy ang kasal at makapag-move-on sa nangyari. Nagulat na din sila nang malaman nilang na-ka-pangalan pala sakanya ang naiwang kayamanan at company ni Justin. Kaya ngayon ay si Jaztin na muna ang namamahala non dahil masyado pang bata si Flynn.

Nakapagtayo na din si Eurika nang sariling modeling academy para sa mga gusto maging model. Katulong nya na do'n si Shaina at kay Nadine naman ay nakatuluyan nito ang personal driver nya. Naging babae na din 'to. Nakatuluyan na din ni Tiffany ang kanyang hot na professor sa Melbourne, tatlo na ang anak nila Curt at Francine. Marami nang nagbago sa buhay nila.

"Hon," Napalingon sila sa lalaking tumawag, "Daddy!" Galak na sigaw ng bata saka yumapos sa tinuturing nyang ama.

Ginawaran sya nito nang halik sa labi, "Kamusta, bro!" Nakangiting sambit ni Jaztin sa puntod. Simula no'ng bumalik sa NY tinanggap na ni Jaztin na may anak sila Eurika at ito. Yumakap sa bewang ito sakanya saka masayang tinitigan ang puntod nito.

IN LOVING MEMORIES OF
       Justin Flynn Chua
Sept. 24, 1994 - June 4, 2018

"Daddy! Gusto ko nang candy!" Biglang sabi ni Flynn, "Okay sige. Come on, let's buy your candy!" Nakangiting sagot nito saka iniwanan ang nakangiting babae.

Sinundan nya naman ng tingin ang mga 'to saka bumalik sa tingin sa puntod, "Happy 7th death anniversary, Justin. Thank you for everything."

Huminga sya ng malalim saka tumingin sa itaas.

Minsan sa buhay natin 'di lahat nang bagay na nasanay tayo na masaya gano'n pa din sya habang buhay... darating tayo sa point na magbabago 'yon at masasaktan tayo.

Sa buhay ni Eurika, nakilala nya si Justin na sobra syang inis pero dumating sa panahon na natuto nilang mahalin ang isat-isa kahit na biglaan lang ang lahat. Nagmahal sya at nasaktan, nakapag-move-on at nagmahal ulit. Pero narealize nya na 'di pala lahat ng taong nakilala mo sa una ay makakasama mo hanggang sa dulo, dahil minsan may mga taong darating lang sa buhay mo. Titigil at aalis ulit, bibigyan ka lang ng aral na babaunin mo buong buhay.

Ang natutunan ng ating bida sa sarili nyang kwento ay pagkakaroon ng tatag ng loob na harapin ang lahat nang kabiguan na nangyare sa buhay nya. Tanggapin 'yon ng buong-buo at mag let-go. Upang harapin ang bagong kabanata ng buhay.

She's Eurika Sandoval... minsan nagmahal sya, kinasal at nasaktan sa isang sex addict. And now she's happy to say to everyone that once on her life, she's, Married to Mr. Sex Addict.

****THE END****

AUTHOR'S NOTE:

AYON! SA WAKAS NATAPOS KONADIN SYA~ HABANG GINAGAWA KO PO ANG NEXT STORY KO, INEEDIT KONADIN ANG MGA KAILANGAN AYUSIN DITO SA MARRIED TO MR. SEX ADDICT!

All Right Reserved 2018
Date start: July 23, 2015
Date End: June 4, 2018
Novel by MissWinterDust

Married to Mr. Sex Addict (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon