Author's Note:
One chapter to go. Gusto ko lang po ipaalam na i-e-edit ko po 'tong story ko dahil narealize ko ang jeje ko pa po nung inumpisahan kong gawin 'tong MMSA. Bwahahahah!*******
"Ayoko nga'ng kumain! Ba't ba ang kulit mo?!"
"T*ngina naman! Kumain ka makakasama 'yan sa anak natin!" Sigaw din ni Justin nang ayaw tanggapin nito ang dala-dala nyang pagkain. Umiling-iling 'to sakanya.
"Pakawalan mo na 'ko dito! ayoko dito! ibalik mo 'ko kay Jaztin!" Naiyak na naman na sigaw nya. Huminga nang malalim ang binata saka binagsak ang pagkain sa ibabaw nang kama.
"Kalimutan mo na sya! andito na 'ko, bumuo tayo ng pamilya, Eurika. Please, magbalikan na tayo, mahal na mahal kita." Pagsusumamo ng binata, "Mahal mo 'ko? pero gan'to ginagawa mo sa'ken?! Sa'n ang pagmamahal dito?! Selfish ka!"
"Yeah i'm so f*cking selfish! Mahal na mahal kita, e. Una kang naging sa'ken, inagaw ka lang ng lalaking 'yon."
Napatayo si Eurika, "Hindi nya 'ko inagaw, dahil mahal ko sya at mahal nya din ako! Hindi mo ba naiintindihan, masaya na kame!"
Natawa ang binata, "Yeah. Masaya kayo pero ako? hindi! at balak mo pang ipagkait ang anak ko sa'ken."
"Hindi ko ipinagkakait, sasabihin ko sayo, pero hindi pa sana ngayon! Magulo ang buhay ko, nagulo mo ulit dahil sa'yo!" Sigaw nya. Hinawakan ng mahigpit ni Justin ang braso ni Eurika, "Sasabihin? Mukang wala ka nga'ng balak, e. Aalis ka pa kasama sya."
"Please, Justin... H'wag kang magpakain sa galit na nararamdaman mo ngayon, alam kong 'di ikaw ang Justin na nakilala ko. Mabait ka at maunawain, gumising ka. Please," hinawakan ni Eurika ang kamay ng binata, napayuko naman 'to.
"Kung hindi ko 'to gagawin, mawawala ka sa'ken." Pagkasabi nito tinabig sya sa kamay at saka lumabas nang kwarto. Naiwan na naman syang nakakulong sa kwarto, naiyak na naman sya.
Dalawang araw na syang nakakulong dito at 'di pa rin sya nakain hanggang tubig lang. Wala syang gana, nanghihina na sya.
Hinawakan nya ang kanyang tiyan, "Sorry baby ha? Nadadamay ka sa gulong 'to. Nagbago na ang tatay mo, e. Sorry baby," Humagulgol na naman sya nang iyak.
Maya-maya nagulat sya nang biglang buksan ni Justin ang pintuan ng kwarto nya, taranta 'to based sa pagmumuka.
"Tara na, aalis na tayo dito." Hinablot sya nito sa braso saka mabilis silang lumabas nang bahay, napatingin sya sa paligid. Nasa isang resort pala sila dahil nasa gilid sila nang dagat.
"Ahh!" napadaing sya ng bigla syang ipasok nito sa loob ng kotse, maya-maya nakarinig na sila nang maingay na wangwang. Mga pulis.
"Sh*t! Nandito na sila!" Singhal ng binata, gusto man nyang lumabas nang kotse 'di nya magagawa dahil madadamay ang baby nya sa tiyan.
Mabilis 'tong humarurot ng pagmamaneho habang nasa likuran nila ang dalawang police car.
"Justin! Sumuko ka na!" Sabi nya, hindi sya pinakinggan nito at kabadong nagmamaneho 'to.
Pana'y naman ang tingin nya sa side mirror nang kotse dahil nakikita nyang kasunod na nito ang kotse ni Jaztin, napangiti sya. Napansin din 'yon ng binata kaya mas binilisan ang andar, ngayon nasa highway na sila ng kabundukan. Kabadong-kabado sya dahil delikado 'to para sa bilis ng takbo nang sasakyan nila.
"Justin! tumigil ka na! please! Delikado 'tong ginagawa mo!!!" Sigaw nya, "Shut up!" Sigaw nito sa kanya.
Napapahawak nalang sya sa gilid nya kapag naliko bigla ang sasakyan nila. Nang nakikita nyang nasa daanan sila na may bangin, kinabahan sya.

BINABASA MO ANG
Married to Mr. Sex Addict (COMPLETED)
RomancePaano kung kinasal ka sa isang lalaking mahilig sa sex?