Eurika POV
"sigurado ka bang ayos ka lang?"
tumango ako sa tanung ni Tiffany sa'kin, sobra s'yang nag aalala sa'kin dahil isang linggo na 'kong sinusumpong ng ulcer ko. Pa'no naman kasi e, dalawang araw akong hindi nakakain ng maayos dahil focus ako nun kay Jaztin.
"magpacheck-up na kaya tayo?" tanung na naman niya, umiling ako.
"okay lang ako, Tiff. Don't worry about me." sagot ko. Napabuntong-hininga s'ya saka ngumiti.
sa mga ganitong sitwasyon sanay na ko, simula kasi ng nabusy ako sa work sa modeling nalimutan ko na kumain sa tamang oras, si Jaztin lang talaga ang nagpapaalala sa'kin.
hay...namimiss ko na talaga siya...
nag-umpisa na 'kong magtupi ng damit ko sa maletang dadalhin ko pabalik sa New York. Sa wakas, makikita ko na din siya...
"alis na 'ko, sis." sabi ni Tiffany sa'kin, tumayo naman ako saka nilapitan siya, "magtext ka sa'kin ha? alagaan ang sarili dun sa NY."
ngumiti ako sakanya at yinakap siya. Pagkaalis ko ng yakap sakanya ay naglakad na siya papasok sa kotse niya ng bigla ako makaramdam ng hilo.
"Tiff...."
bago ako mawalan ng malay ay narinig ko pa siyang sumigaw sa pangalan ko.
Author's POV
napamulat ng mata si Eurika at nakita niyang nasa isa siyang kwarto na puro puti lang.
"thanks god! gising ka na..." napatingin siya kay Tiffany na halatang worried sakanya. Bumangon naman siya, "nasaan ako?"
"nasa ospital ka...uhmm, Eurika,"
"hmm?"
lumapit sya sa kaibigan at saka hinawakan ang mga kamay nito, hindi alam ni Eurika kung bakit parang kabado ito at balisa.
"ano 'yon Tiff? tell me. About ba 'to sa ulcer?"
umiling sya.
"h-hindi 'yun simpleng ulcer lang..." parang nakaramdam ng kaba si Eurika sa sasabihin ng kaibigan niya.
"you're pregnant, one week pregnant." nanlaki ang mga mata ni Eurika sa nalaman mula sa kaibigan, kusa na din tumulo ang mga luha niya sa pisngi.
"it can't be..." bulong niya.
alam niya kung sino ang ama nito...hindi sya magkakamali dahil si Justin Flynn Chua lamang ang huling nakaniig niya sa kama.
nanlulumo siyang napahilamos sa muka at saka umiyak, hindi pwede ito, masasaktan niya si Jaztin kapag nalaman niya na ang kanyang girlfriend ay nabuntis ng kaniyang ex-husband.
lumapit sa kanya si Tiffany saka hinawakan sa kamay ang kaibigan, "stop crying...baka makasama sa dinadala mo,"
"anung gagawin ko, Tiffany? natatakot ako iwan ni Jaztin. Ayokong masaktan siya ng dahil sa'kin. Mahal na mahal ko siya."
"hush...don't worry, safe sa lahat ang kalagayan mo ngayon...you need to be careful, may dala-dala ka na sa tiyan mo. Iwasan mo na ang mga makakasama sa anak mo."
tumango-tango na lamang si Eurika.
KINAGABIHAN lumabas na din sila Tiffany at Eurika mula sa ospital, nag grocery muna sila na kakailanganin ng buntis na babae.
hindi na muna itinuloy ni Eurika ang pagpunta sa NY dahil mas kelangan nya muna makapagpahinga. Bilin kasi ng doktor sa kanya na mag-ingat siya dahil kakagaling nya lang sa stress baka makasama pa ito sa dinadala niya. Araw-araw ay laging sinusumpong siya ng morning sickness ng buntis.
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Sex Addict (COMPLETED)
RomancePaano kung kinasal ka sa isang lalaking mahilig sa sex?