Chap. 23

4.8K 49 1
                                    

Tiffany POV

it's been a long day

without you my friend

and i tell you all about it when

i see you again

tahimik akong nakikinig sa aking earphone habang nainom ng frappe ng biglang may tumawag sa phone ko.
"yes? yes?"

("why did you left me with Justin?")

napatigil ako sa paginom ng frappe saka umayos ng pagkakaupo. Halata sa boses ni Eurika na hindi sya okey.

"i'm so sorry Eurika...nagmagandang loob lang naman si Justin kagabi sakin dahil super lasing kana talaga nun medyo may tama nadin ako kaya hindi kita maihahatid ng maayos."

narinig ko syang huminga ng malalim.

("okey...basta hindi na mauulit yon.")

"i promise!" sagot ko. Nagusap lang kami saglit saka nagpaalam na sya dahil problemado pa sya kay Jaztin, ewan koba...bat naging ganun yong Collins na yun ngayon.

ito naman kasing si Eurika e, pinagpalit si Justin sa isa pang Jaztin, consistent sa ganung name ah? hahaha

ito yung namiss ko sa pinas e, masaya kapag lonely ang peg ko ngayon...tahimik, walang problema, hindi tulad sa Australia...akala ko magiging okey na ko dun, akala ko magiging masaya ako dun. Oo nga, naging masaya ako pero panandalian lang, nasaktan din ako dahil sa lintek na pagmamahal na yan

isa din ako sa mga babaeng naghangad na may happily ever after pero malabo pala yon ngayon...

isa din ako sa babaeng naging tanga sa pagmamahal at binigay ang sarili ng buong-buo sa maling tao

fudge! ayoko na maisip ang kagagahan na ginawa ko sa Australia!

pagkatapos kong inumin yong frappe lumabas na ko ng cafe at saka sumakay sa kotse ko, ayoko muna guluhin si Eurika dahil malaki ang problema nya ngayon...gusto ko man tulungan kaso tinanggihan nya, sya na daw ang bahala don.

san naman kaya ang aura ko ngayon?

hays...makauwi na nga lang!

manonood na lang ng magisa sa condo unit ko

*Maryville*

hay salamat nakarating na din ako~ medyo malayo kasi yong pinagtambayan ko kanina na cafe kaya medyo matagal akong nagbyahe kasama na rin yung traffic dun

ini-scan ko yung passcode ko gamit yung card ko then nagopen na sya, hinagis ko na lang out of nowhere yong heels ko saka kumuha ng chips sa ref then naupo sa sofa at nanood ng movie.

nang maramdaman kong nauuhaw ako tumayo ulit ako saka chineck yung ref ko pero ubos na yung fresh milk ko, naman oh! kaylangan ko pa atang mag grocery ng wala sa oras! tssk tssk

nagpalit ako ng damit na simpleng big red shirt at short then tinali ko ng messy bun yung buhok ko at saka kinuha yung wallet at lumabas na nang unit ko.

paglabas ko sa pintuan biglang may lumabas din sa katapat kong unit at hindi ko alam kung ano irereact ko nung nakita ko kung sino yon

pakshet naman!!!

"long time no see, sweetheart."

halos magbuhol yung large at small intestine ko sa kanya ngayon, bat sya nandito?! dafudge!!

napalunok ako saka umayos ng pagkakatayo feeling ko kasi maglulumpasay na ko pagkakita ko sakanya e!

"sweetheart? how dare you to call me like that?!" mataray kong tanung sakanya.

Married to Mr. Sex Addict (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon