Chap.2

15.8K 119 2
                                    

Eurika POV

"Okay break muna tayo!" Sigaw ng photographer namin, oh thanks god. Nakakapagod simula pa sa school, buti na lang at half class lang ako kundi sabog na utak ko sa mga lectures.

"Eurika, tara lunch." Yaya ng isang lalaking model dito, i know si Frank to.. tss. Ayoko nang ugali nito eh ang hangin!

"Sorry busog pa ko eh." Sabi ko sabay tumalikod, "Arte naman ikaw na nga niyayaya eh." Rinig kong sabi niya, so humarap ulit ako.

"Alam mo ba yung salitang busog? Oh sadyang bingi ka lang? Anu bang magagawa mo kung ayokong sumama sayo?" All eye's catched my attention, eh nakakabadtrip kasi tong lalaking to eh.

"Enough." Sabi ng head manager namin na si Mrs. Castro, nag bow lang kay Maam Castro ako at tumalikod na. Pumasok ako sa dressing room at nagselfie, ipopost ko lang sa Instagram account ko.

[ i wanna kill someone, help me guys! haha Lol. :P ] - IG Post.

Mga middle 10 PM na ko nakauwi sa bahay, dumaan pa kasi ako sa isang botique shop. Nakita kong bukas yung ilaw sa kwarto ko este namin ni Justin so i know nandito na siya. Pinark ko lang yung kotse ko then pumasok na ko sa loob, dumaan muna ko sa kitchen at uminom ng fresh milk drink at umakyat na sa taas.

O_________O

"God." Napatigil sila nang makita ako ng babae kaya napatingin din si Justin dito sa pintuan, dali dali akong bumaba dahil nakakadiri silang tignan grabe! Dito pa talaga sa bahay namin ah, pwede naman sa hotel!

Nang maramdaman kong pababa na sila kunyari nag cecellphone ako, tumingin ako sa kanila gamit yung gilid ng mata and tuloy tuloy lang silang lumabas ng bahay. Tssss! Nakakainis!

Sa inis ko umakyat na lang ako ng kwarto at humiga, pagod na rin kasi ako kanina pang umaga. I closed my eyes and then i fell asleep.

KINABUKASAN...

Nagising ako dahil may mabigat na nakayakap sa akin, and my eyes widen ng makita ko kung gaano kalapit yung mukha namin ni Justin sa isa't isa. Natulak ko tuloy siya kaya nahulog siya sa kama palanding sa lapag.

"What the fuck!" Mura niya, bumangon siya sa pagkakahulog at tumingin sa akin ng masama, "Problema mo?!" Sigaw niya, nabingi naman ako.

"Pwede ba! Wag kang sumigaw ang sakit sa tenga eh~" Sigaw ko din, ginulo niya yung buhok niya at padabog na lumabas ng kwarto. Hayss~ kasalanan ko ba? Arggh.

Saturday pala ngayon, wala naman akong kahit anung schedule sa mga photoshoots ko kaya ginawa ko magluluto na lang ako ng breakfast. I will try my best para maging perfect yung egg and hotdog pero bakit ganun? Ilang beses na kong nagluto durog at sunog! wahhh! T^T

"Ouch!" Sigaw ko sa sakit ng matamaan ako ng mantika sa wrist ko, tinignan ko namumula na siya ng sobra.. naiyak tuloy ako baka magkapeklat ako nito!

"What happened?!" Napalingon ako si Justin pala at nagmamadaling lumapit sa akin na naka tapis lang ng twalya sa bewang.

"Saan sugat mo?" Tanung niya sabay hablot ng kamay ko, chineck niya yung sugat ko.

"Paso lang to, come on." Pinatay niya yung stove, "Tssk, egg and hotdog lang hindi mo pa maperfect?" Sabi niya at hinila na ko papunta sa CR, nilagyan niya ng toothpaste.. Hindi ko maiwasan mamula ng mukha, ehh~ kasi yung katawan niya.. perfect body with abs.

"Matunaw yan." Napatigil ako sa nagsalita, tinignan ko siya na nakangisi sa akin. I just rolled my eyes and lumabas ng CR before tuluyan akong lumabas nag thank you ako kay Justin pero nagulat ako ng hilain niya yung kamay ko at he kissed me in the lips.

Married to Mr. Sex Addict (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon