"ARE you leaving?" tanong ni Kate sa asawa nang mapasukan niya ito sa silid na naglalagay ng mga damit sa maleta. Kararating lang nito kahapon galing Baguio para sa advertising seminars.
"Three hours from now ang flight ko patungong Hong Kong, Katie," sagot ni Melvin na ipinagpatuloy ang paglalagay ng mga damit sa maleta.
"You're never home," wika niya. Walang akusasyon sa tinig, walang paninisi. She was stating a fact.
Nilingon siya ni Melvin. Nang-uuyam na ngiti. "You know ours is a sham marriage, Katie."
"Then you should have ended this while we were in Vegas!" Doon siya nagalit. "At kung hindi ka masyadong nagmamadali at gahaman sa mamanahin mo'y pareho sana tayong nakalaya sa pagsasamang ito!"
Pabagsak na isinara ni Melvin ang maleta. Halos matanggal sa pagkakakabit ang zipper sa marahas nitong pagsara. "I didn't want to marry you. My father chose you for me. I often wonder why he didn't marry you himself," paismid nitong sabi. "Anyway, gusto kong sabihin sa iyong uuwi tayo sa America tatlong buwan mula ngayon," kitang-kita ni Kate ang kislap mula sa mga mata nito nang sabihin iyon. "I am divorcing you, my dear wife."
"What?" bulalas niya. Nabigla sa narinig.
Ikiniling ni Melvin ang ulo at sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa at sa patuyang tinig ay: "Poised, cold, and contained, Katrina Carreon. Smart at matalino. You fooled my father. But you're nothing like my mother," at nagbitaw ito ng masagwang salita na napangiwi si Katrina. "Pinakasalan kita dahil sinabi ng Daddy na malinis kang babae. Na wala kang naging boyfriend sa panahong nag-aaral at nagtatrabaho ka," at saka tumawa ito. "Little did my father know na may lalaking nakauna na sa akin!"
Isang nahahapong buntong-hininga ang pinakawalan ni Katrina. "Pag-uusapan na naman ba natin iyan, Melvin?"
"Dahil dinaya mo ako!" sigaw nito. "Hindi ko kayang kalimutan na ang babaeng pinakasalan ko'y pinagsawaan na ng iba. I have always dreamed of marrying a virgin, Katie. And father made me believed that you were!"
"Hindi kita niloko. I happened to take it for granted," katwiran niya. "Nasa isang permissive na bansa ako and you are half American. How would I know that you wanted a virgin for a wife? And how would I know too that you were expecting me to be one," she gritted her teeth. "And again, why didn't you tell your father and divorced me the next day?" Naniningkit ang mga matang sagot niya. "Did you think I want this marriage, too?"
"Oh, yes, you do. You were after my inheritance, Katie," ismid nitong sagot. "Iyon ang dahilan kung bakit pumayag ka sa gusto ng ama kong pakasal tayo. My god, you were as cold as ice nang unang gabi ng ating kasal na gusto kong makadama ng insekyuridad sa pagkalalaki ko. A frigid non-virgin sonofa—"
"Shut up, Melvin!" All those times na paulit-ulit na sinasabi sa kanya ni Melvin ang mga ganoong insulto ay nanatili siyang tahimik at hindi sumasagot. Subalit sa pagkakataong iyon ay nakipagsagutan siya rito.
Subalit nagpatuloy ang lalaki. "Nakahanda akong kalimutan lahat ang katotohanang may nakauna sa akin, Katie, nang nasa Las Vegas tayo. I would have made love to you again that night at patawarin ka sa kalamigan mo noong unang gabi natin. Pero hindi ka naging maingat at—"
"You're a broken record, Melvin," agap niya sa nababagot na tono. "And your plan of divorce is long overdue, I couldn't wait the next three months."
"Damn you! You wouldn't get a cent from me, Katie!" At nagtuloy na itong lumabas, slamming the door behind.
May ilang minuto nang nakaalis si Melvin ay nanatiling nakatitig sa kawalan si Katrina. Totoo ba ang sinabi nito? How? Why? Bagaman naroon ang relief na sa wakas ay matatapos na rin ang kulang dalawang taong walang kakuwenta-kuwenta nilang pagsasama ay hindi niya maiwasang magtaka at masaktan sa mga akusasyon nito. Paulit-ulit na akusasyon na para bang wala siyang damdamin.
Wala sa loob na napasulyap siya sa relo sa may tabi ng night lamp. Alas-nueve-y-media ng umaga. Tila naalimpungatang kumilos siya upang maghanda para sa pagtungo sa fast food station niya. Lumabas at bumalik sa sariling silid.
Kalalabas lang niya ng shower room nang tumunog ang telepono sa silid niya. She pressed a button for the speaker phone.
"Hello..."
"Kate, hija, ang Daddy mo ito..."
"Oh, Dad!" bulalas niya sabay ngiti, napasulyap sa speaker phone. Overseas call iyon mula sa Amerika. "How's Mom? Anong oras na ngayon diyan?"
Tumikhim ang kabilang linya. "Ah... eh... is Melvin there?"
"No. Kaaalis lang niya, Daddy. Paalis siya ngayon patungong Hong Kong. Why?" Inalis niya ang tuwalyang nakapaikot sa buhok at ikinuskos sa buhok upang matuyo habang nakikipag-usap sa ama.
"Listen, Kate, hindi ko alam kung paano tatanggapin ni Melvin ang balitang ito but..."
BINABASA MO ANG
Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same)
Storie d'amoreMula pagkabata'y lihim na minahal ni Kate si Rafael. Subalit ang playboy ng San Ignacio College ay iba ang pinagtutuunan ng pansin, ang kaibigan matalik ni Kate na si Moana. Si Moana na ang gusto'y si Vince. Kahit na nasasaktan ay nagparaya si Kate...