"Tammie, baby, kakain na," tawag at pagkatok ni Mommy sa akin.
Pang-ilang beses na niya 'yan pero kagaya kanina ay nagkunwari pa rin akong tulog. Wala akong lakas na bumangon, hinang-hina ang buong katawan ko sa hindi ko malamang dahilan. Masakit at sobrang bigat pa rin ng puso ko. The way Zeus made me feel so unwanted made my self-esteem go even lower.
Muli akong pumikit kasabay ng pagtulo ng aking mga luha. Hanggang kailan ko ba mamahalin si Zeus? Hanggang kailan ko kakayanin lahat ng sinasabi at ginagawa niya sa akin? Hanggang kailan ko pagbabayaran ang kasalanang hindi ko naman ginawa?
"Good morning, Mommy," bati ko rito.
Matamis niya akong nginitian bago niya hinagod ang buhok kong unti-unti nang bumabalik sa pagkabuhaghag. "Magla-lunch na. Kagigising lang din ng Kuya Thomas mo," sabi niya sa akin, kaya naman kaagad akong umupo dahil gutom na rin ako.
Pumilas ako ng isang saging sa may gitna ng table at dinalawang subo lamang iyon. Maya-maya ay sabay nang dumating sina Mommy at Daddy kasama si Kuya.
Napanguso ako nang maalala kong maaga nga palang pumasok si Theo sa kanyang piano class kasama sina Zigui at Keanu.
After kumain ay kaagad akong dumeretso sa aking kuwarto, tamad na tamad ang buong katawan ko ngayon. Napatingin ako sa librong gusto kong basahin kahapon pa. Pero ni ang maglakad papunta sa aking study table ay hindi ko pa magawa.
Muli akong dinalaw ng antok at nagising nang madilim na sa labas. Hilong-hilo ako dahil sa sobrang pagtulog kaya naman sandali muna akong umupo bago ako tuluyang bumaba sa aming kitchen para kumuha ng tubig.
"Tammie, may sakit ka ba, anak?" tanong ni Mommy sa akin nang maabutan niya akong nag-iinat sa may kitchen.
"Wala po, Mommy. Pagod lang po dahil sa kagabi," sagot ko sa kanya at halos mag-init ang puwit ko nang maalala kong may pasok na naman kinabukasan.
"Hindi ka nakapagmeryenda kanina. Sayang naman at nagluto ako ng macaroni salad. Hindi ba at paborito mo iyon?" si Mommy.
Napalunok ako nang makita ko iyon na hawak ni Mommy pero halos bumaliktad ang sikmura ko nang maamoy ko na iyon. Mabilis akong tumakbo sa may kitchen sink at sumuka.
"Tammarie, ano ba iyan? May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ni Mommy sa akin pero napailing lang ako.
"Kagabi pa po ako inaatake ng migraine," sagot ko.
Binigyan niya ako ng tubig at saka ibang makakain. Naging maayos naman ang pakiramdam ko pagkatapos n'on.
"'Wag ka na kaya munang pumasok bukas?" sabi niya sa akin na kaagad ko namang inilingan.
"Okay na ako, Mommy. Uminom na rin naman ako ng gamot saka malapit na ang major exam namin, eh."
Maaga na akong nagising kinaumagahan. Hindi na rin umaatake ang migraine ko kaya naman ayos na ang gising ko. "Good morning, Kuya. Good morning, Daddy!" bati ko sa mga ito habang binubuhusan ko ng syrup ang pangatlong pancake ko.
Matamis ang ngiti ni Daddy sa akin. "Aba, mukhang maganda ang gising ng dalaga namin, ah!" sabi niya sa akin bago siya maingat na sumimsim sa kanyang mainit na kape.
"Masarap lang po ang tulog ko, Dad," sabi ko na lamang sa kanya. Bumaba si Theo sa hagdan habang nakayakap kay Mommy. Kaagad itong nagpumiglas ng pagbaba nang makita niya ako.
"Ate Ganda!" tawag niya sa akin, kaya naman kaagad ko siyang kinandong at pinaghahalikan ako nito.
"Good morning, baby," sabi ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
My Stolen Innocence (Game of Love Series #2)
RomanceZeus Anthony Alonzo always seems out of reach for Tammarie Celestine Dela Vega, but little did she know that Zeus had already owned her ever since he stole her innocence from her. Can they still deny the tension between them and avoid falling head o...
Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte