Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
Hindi na nagsalita pang muli si Zafara pero kitang kita ko sa kanyang pagmumukha ang pagtataka sa aking naging desisyon.
"Zaf...nasa phone ang Lola mo" pagtawag sa kanya ni Tita Sofia mula sa loob ng kanilang bahay kaya naman tumayo ito at nagpaalam sa amin sandali ni Marco para pumasok aa loob.
"Tammie...what's bothering you?" Nagaalalang tanong ni Marco sa akin.
Despite of everything, kahit pa madami ng nangyari at madami na ang nabunyag ay hindi ko kailanman naramdaman na nagbago si Marco. He is consistent simula una, hanggang ngayon kaya naman masaya ako para sa aking kaibigang si Zafara. At ganuon din naman ako sa part ni Marco.
Nagkibit balikat ako bago ako napatingin sa malayo. "Hindi ko din alam Marco, gusto kong tanggalin sa isip ko yung pangamba pero hindi ko magawa. Natatakot ako, hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung para saan ang takot" magulong paliwanag ko sa kanya.
Napabuntong hininga din ito. "Natatakot ka sa bagay na hindi pa naman nangyayari, masyado kang advance magisip Tammarie" sabi niya pa sa akin.
"Siguro nga...pero naguguluhan pa din ako, hindi pa din ako sigurado" sabi ko na lamang kay Marco.
Hindi na ito nakapagsalita pa pero ramdam na ramdam ko ang pagaalala nito para sa akin.
"Mommy, nasa phone po si Daddy hinahanap daw po tayo" sabi ni Zakkie sa akin pagkalapit niya sa akin.
Medyo marungis pa ang pisngi nito dahil sa spaghetti sauce. Pinunasan ko muna ang pisngi niya bago ko inilabas ang cellphone ko mula sa aking bag at duon ko nakitang marami ng missed call mula kay Zeus.
"Sa phone po ni Lolo Zach, Mommy, tumawag po si Daddy" sabi niya pang muli sa akin.
Bago pa man ako makasagot sa sinabi ni Zakkie ay kaagad ko ng natanaw ang paglabas ni Tito Zach mula sa loob ng kanilang bahay papunta sa aming gawi.
"Hija, hindi ka daw sumasagot. Nasa condo niyo na daw si Zeus" sabi nito na ikinalaki ng aking mga mata.
"Ah sorry po Dad, nasa bag po kasi ang cellphone ko. Naka silent" pagdadahilan ko sa kanya.
Napatango na lamang ito sa akin. "Ipapahatid ko na kayo sa driver? O magpapasundo na lang kayo kay Zeus?" Tanong niya sa akin.
"Uhmm hindi na po Dad, may dala po kaming sasakyan" sagot ko sa kanya.
Halos hindi ko matingnan ng maayos si Tito Zach, nakikita ko si Zeus sa kanya. Paano kung dumating ang oras na kaming dalawa ay matulad din sa kanila? Na sa kalagitnaan ng pagbuo namin ng problema ay magkaroon kami ng problema at maisipang maghiwalay. Masyadong sagrado ang kasal para sa akin, hindi ko maaatim isiping pwedeng dumating ang pagkakataon na masisira iyon.
"Daddy..." sweet na tawag ni Tita Sofia sa kanya.
Kaagad siyang sinalubong ni Tito Zach. Hinalikan siya kaagad nito sa ulo habang si Tita Sofia naman ay kaagad na yumakap sa asawa.
"Babalik ka pa sa office?" Malambing na tanong ni Tita Sofia dito.
Napangisi si Tito Zach habang yakap yakap niya ito. "Ayaw mo na ba ako umalis?" Malambing na tanong niya dito.
"Ayaw, dito ka na lang" sabi ni Tita Sofia at mas lalong humigpit ang yakap niya dito.
"Aryt. Basta ikaw" natatawang sabi niya at kaagad niyang dinukot ang cellphone muna sa kanyang bulsa para marahil tumawag sa kung saan.
BINABASA MO ANG
My Stolen Innocence ( Game of Love Series #2)
RomanceMy mother once told me to marry a man that loves me more than i love him. And here comes Zeus anthony alonzo, stealing my innocence and breaking my princples.