Chapter 18

90K 2.5K 969
                                    

Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________




Yakap yakap ko ang aking sarili sa gilid ng daan, naghihintay ako ng may masakyang Taxi. Panay pa din ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. Tama si Zeus, umuulit nanaman ang lahat, inuulit nanaman ang lahat.

"Taxi!" Sigaw ko sabay para pero hanggang ngayon ay wala pa din akong masakyan.

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa abutan ako ng ulan. Hindi ko na alam kung anong oras ako nakasakay at nakaalis sa lugar na iyon.

"Humigop ka ng mainit na sabaw anak" sabi ni Mommy habang maingat na sinasalat ang leeg ko.

Sobrang taas ng lagnat ko nung madaling araw. Madali lang kasi akong dapuan ng sakit kaya naman konti pagkabasa lang ng ulan ay lalagnatin na kaagad ako.

"Uminom ka kaagad ng gamot pagkatapos mong kumain" sabi pa niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang tinanguan.

"Opo, Mommy" paos na sambit ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng aking labi dahil sa mataas ng temperatura ng aking katawan.

Nagkulong ako sa kwarto at buong araw na nakahiga sa aking kama. Sobrang bigat ng pakiramdam ko.

"Tammarie..." malambing na pag gising sa akin ni Mommy nung hapon.

Kaagad na sumalubong sa akin ang isang malaking basket ng prutas sa aking bed side table.

"Dala ito ni Zeus, nabalitaan daw kasi niyang may sakit ka...nasa labas siya, gusto ka niyang makausap" sabi ni mommy sa akin kaya naman napaiwas ako ng tingin.

"Masyado pong masama ang pakiramdam ko Mommy...ayoko po munang makipagusap" sabi ko sa kanya. Kitang kita ko ang pagaalala sa mukha ni Mommy pero hindi na siya nagsalita at marahan na lamang na tumango.

"Sige sasabihan ko siya" malumanay na sabi nito at marahang umalis sa pagkakaupo sa aking kama.

Mabilis akong nagtalukbong ng kumot. Napatitig sa basket ng prutas na dala niya, pero sa pagtitig duon ay nasaktan lamang ako. Sa tuwing naaalala ko ang sinabi niya sa akin kagabi ay sobra sobra ang sakit na nararamdaman ko.

"Hindi ka ba lalabas kasama sina Kendall at Zafara anak?" Tanong ni Mommy sa akin ng halos dalawang linggo na akong hindi lumalabas ng bahay. Ilang lakad ang tinanggihan ko lalo na at kasama si Zeus duon.

"Wala naman po akong pupuntahan" sagot ko sa kanya.

Mabilis kong binuksan ang refrigirator namin para maghanap ng makakain. "Palagi na lang akong gutom...lolobo na ako nito" pagkausap ko sa aking sarili habang dinadama ang lamig na nagmumula sa loob nuon.

"May pinadalang oreo cheesecake ang Tita Sofia mo, andyan sa ref" sabi ni Mommy sa akin ng daanan niya ako dahil galing siya sa garden.

Mabilis kong hinanap iyon at inilabas sa ref. Miss ko na din ang mga luto ni Tita Sofia, miss ko na sila Kendall at Zafara, miss ko na silang lahat...miss ko na din si Zeus.

Kumain ako ng tahimik sa may kitchen counter, busy si Momny pabalik balik sa may garden na may dala dalang maliliot na paso.

"Si Theo po?" Tanong ko sa kanya.

"Sinundo ni Zeus kanina dito, may event kasi sa may clubhouse. Kasama niya sina Keanu at Zugui" sabi ni Mommy sa akim kaya naman medyo napatigil ako sa pagsubo.

My Stolen Innocence ( Game of Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon