Tahimik akong naglalakad sa may hallway ng kaagad kong makasalubong ang mga mean girls sa campus namin. Kaagad nila akong minata na akala mo eh pulubi ako na naglalakad papalapit sa kanila.
"Tammarie, can you do us a favor?" Lapit nila at tsaka biglang naging mabait kaya naman napataas na lamang ang isang kilay and I just rolled my eyes.
Ganyan naman ang mga iyan. Kung tingnan ako ay para akong isang malaking joke sa kanila. Na para bang takang taka sila kung bakit kasama ako sa grupo na halos lahay sila ay nababaliw na.
"What? Ano nanaman?" Inis na sambit ko pero wala na akong magagawa kundi ang pakinggan na lamang ang sasabihin nla dahil paniguradong hindi nanaman nila ako tatantanang tatlo pag iniwasan ko lang sila.
"Sama mo naman kami sa party ni Kenneth, gustong gusto talaga naming makapunta" pagmamakaawa ng isa sa kanila.
"Ano? Bakit sa akin niyo sinasabi yan? Edi kay Kuya Ken kayo magsabi" sabi ko sabay bawi ng sarili ko mula sa mahigpit nilang pagkakahawak sa aking malaking damit.
"Eh..." sabay sabay silang nagpapapadyak na tatlo na parang mga bata.
"Wag ako, sa kanya niyo sabihin dahil kahit ako hindi naman ako pumupunta sa mga ganyang party" sabi ko at aalis na sana para pumunta sa aking susunod na klase ng hilahin ako ng mga ito pabalik.
"Impossibleng wala ka duon Tammarie..." sita ng isa pa kaya naman napairap na lamang talaga ako.
"Pwede ba, tigilan niyo na ang pagiging desperada niyo kay Kuya Ken. Si Ate Suzy ang gusto nun" pag gising ko sa mga natutulog na talaka nilang mga utak.
Napatameme silang tatlo kaya naman paglakataon ko na sana iyon para makaalis ng hilahin ng isa sa mga ito ang aking buhok.
"Desperada pala ha!" Sigaw ng isa at kaagad nila akong pinagtulungang tatlo na mahila pabalik sa may female comfort room.
Hindi ako nanlaban. Kahit anong pagsuntok, sabunot at sampal ang ibinigay nila sa akin ay hinayaan ko na lamang. "That's what you get! Pasalamat ka kapatid ka ni Thomas Dela Vega, dahil kung hindi matagal ka ng pilay" pagbabanta pa sa akin ng isa na namumukaan kong isa sa mga taekwondo player ng aming university.
Iniwan nila akong tatlo na parang isang basang sisiw sa may sahig ng comfort room. Masakit ang mga ginawa nila sa akin physically pero ni isang patak ng luha ay walang lumabas sa aking mga mata.
Sinusuklay ko ng aking kamay ang magulo kong buhok dahil sa pagkakasabunot nila. Halos lahat ay nagtatakang nakatingin sa akin pero hindi ko na lamang sila pinansin. Pakialam ba nila?
"Tammarie!" Sigaw na salubong sa akin ni Kuya Thomas at kaagad niya akong hinila papasok sa isang bakanteng classroom.
"Sino ang may gawa niyan sayo?" Galit na tanong niya habang pinagpapasdan at tinitingnan ang buong katawan ko na para bang naghahanap siya ng iba pang sugat.
"Wala ito, Kuya" sambit ko at pagiwas ng tingin sa kanya pero hindi siya nagpatinag.
"Sino Tammarie? Sino ang gumawa niyan?" Galit na talaga siya.
Hindi pa din ako sumagot. Dahil tapos na, na kahit anong pagsusumbong ang gawin ko kay Kuya Thomas ay tapos na, nasaktan na ako at nagkasugat. Malaman man niya o hindi kung sino ang gumawa nito sa akin ay wala na ding magagawa.
"Ayaw mo, sige ako ang gagawa ng paraan. Hindi nila pwedeng gawim sayo iyan. Wala kang masamang giniwa para gawin sayo iyan" pagalit na sabi ni Kuya habang pinupunasan niya ang mukha ko, ang pumutok kong labi at inaayos ang magulo kong buhok.
BINABASA MO ANG
My Stolen Innocence ( Game of Love Series #2)
RomanceMy mother once told me to marry a man that loves me more than i love him. And here comes Zeus anthony alonzo, stealing my innocence and breaking my princples.