Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
"Marco bakit mo ginagawa to?" Malumanay na tanong ko sa kanya.
Napayuko si Marco bago siya tumingin sa malayo. "Ayaw mo ba?" Medyo paos na tanong niya sabay tingin sa akin kaya naman napalunok ako.
"Kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko" naka yukong sabi ko sa kanya.
Ang kamay kong pinaglalaruan ko ay kaagad niyang ikinulong sa kanyang mainit na kamay.
"Gusto kong ipagtanggol ka" desididong sabi niya sa akin kaya naman halos matunaw na kami sa pagtitig sa isat isa.
Dahil hindi ko na din alam kung ano ang dapat kong sasabihin ay kaagad ko na lamang siyang nginitian.
Naging maayos ang mga sumunod na araw ng exam namin. Palagi pa ding nasa labas ng room ko si marco sa tuwing matatapos ako. Bakasyon na kasi nila dahil una silang nag exam kaya naman una din silang nagbakasyon.
"Anong gagawin mo ngayong buong bakasyon?" Nakangiting tanong niya sa akin ng sunduin niya ako sa huling araw ng exam namin.
"May retreat kami next week, pero mageenrol na ako baka sa susunod na araw para wala na daw problema sabi nila Daddy at Mommy" kwento ko sa kanya na kaagad naman niyang tinanguan.
"Ang yaman niyo talaga noh" pangaasar niya sa akin pero napanguso lamang ako.
"Hindi naman masyado" sabi ko na lamang sa kanya.
Napakamot nanaman siya sa kanyang batok. Naglalakad kami ni Marco papunta sa parking space ng makasalubong namin si Ellise. Kumunot ang noo ko ng makita kong naglalakad si Ellise, parang lutang ito habang nakatingin sa malayo.
"May problema ba?" Tanong ni Marco sa akin pero kaagad ko lamang siyang inilingan at nginitian.
Kumain kami sandali ni Marco sa labas tsaka niya ako hinatid sa bahay.
"Salamat" sabi ko ng huminto na kami sa tapat ng aming bahay.
"Tammarie" pagtawag niya sa akin bago ako lumabas ng kanyang sasakyan.
"Bakit?" Tanong ko.
Muli nanaman itong napakamot sa kanyang batok. "Magpapaalam sana ako...gusto ko sanang ligawan ka" sabi niya sa akin kaya naman medyo nanigas ako sa aking kinauupuan.
"Pero...kung hindi ka pa naman ready, maghihintay ako" medyo natarantang sabi nito ng mapansin niyang hindi ako nakaimik.
Nginitian ko siya. "Salamat Marco, ingat ka pauwi" sabi ko dito bago ako tuluyang lumabas ng kanyang sasakyan. Kinawayan ko pa diya bago tuluyang lumayo ang kanyang sasakyan.
"Good evening po, Ma'm Tammarie" bati sa akin ng aming guard kaya naman binati ko siya pabalik.
"Manliligaw mo ba iyon anak?" Nagulat ako ng makita ko si Dad sa may veranda sa aming front door.
"Daddy" tawag ko muna sa kanya tsaka ko siya hinalikan sa pisngi.
"Si Marco po iyon dad, kaibigan ko...na meet na din po siya ni Kuya Thomas" detalyadong sabi ko dito.
Tiningnan ako nito habang naniningkit ang kanyang mga mata kaya naman napakagat labi na lamang ako dahil sa kaba na baka pagalitan ako nito tungkol sa paghatid sa akin ni Marco pauwi.
BINABASA MO ANG
My Stolen Innocence ( Game of Love Series #2)
RomanceMy mother once told me to marry a man that loves me more than i love him. And here comes Zeus anthony alonzo, stealing my innocence and breaking my princples.