Chapter 11

103K 2.8K 336
                                    

Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________



"Ito yung akin" sabi ko sa president namin nang iabot ko sa kanya ang seatwork na natapos ko.

Pagkatapos kong maipasa iyon ay ay kaagad kong inaayos ang gamit ko. Hinihimas himas ko ang suot suot kong knitting na cardigan habang palabas ng classroom dahil gustong gusto ko talaga ang tela nuon.

"Tapos ka na?"

Nabigla ako ng makita ko si Zeus na nakasandal sa may pader sa harap ng classroom namin. Nagpalinga linga ako sa kahabaan ng hallway at nakahinga ng maluwag ng makita kong bakanta ang buong pasilyo.

Kagaya kanina ay malamlam nanaman ang tingin nito sa akin. Gwapong gwapo pa din siya sa simpleng itim na tshirt na suot niya. "Bakit nandito ka pa?" Tanong ko sa kanya dahil ang buong akala ko ay umalis na siya kanina nung pumasok ako sa classroom.

"Hinihintay kita" matipid na sagot niya na lamang sa akin kaya naman napaiwas na lamang ako ng tingin.

"Mag lunch tayo" sambit niya habang nakasunod sa paglakad ko kaya naman mabilis ko siyang nilingon.

Napailing muna ako bago ako nagsalita. "Hindi, kasabay ko sina Zafara at Kendall" sabi ko sa kanya kaya naman kitang kita ko ang pagtaas baba ng adams apple niya.

"Saan kayo kakain, ihahatid ko kayo" seryosong pagpupumilit pa din niya sa akin kaya naman halos mabaliw na ako sa kung ano ba dapat ang aking iisipin.

"Zeus tama na. Lu...lumayo ka muna" sabi ko hanggang sa ang huling mga salitang lumabas sa bibig ko ay halos pabulong na lamang.

Ang bigat ng tingin niya sa akin na mas lalong nagpapabigat sa dibdib ko. Ayoko sanang gawin ito pero nalilito na din ako, naguguluhan sa kung ano ba talaga ang ginagawa niya.

Napatango tango ito bago siya napabuntong hininga. Walang sabi sabi siyang tumalikod at lumakad palayo sa akin. Hindi ko halos alam kung ano ang dapat na mararamdaman ko, pero isa lang ang alam ko. Masakit din iyon para sa akin, mabigat sa dibdib.

"Naglunch na kami ni Zafara, kanina ka pa namin tinatawagan. Itapon mo na kaya yang cellphone mo" inis na sabi ni Kendall ng makalapit ako sa kanila.

"Tammarie!" Hiyaw niya na mas kasamang pagtapik sa braso.

"Ha eh..." hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanila dahil hindi ko na namalayang kanina pa ako naglalakad ng wala sa sarili.

"Para ka nanamang lutang diyan, ano bang nangyari sayo? Nagcecellphone ka pa ba?" Sunod sunod na tanong niya sa akin kaya naman wala sa sarili kong kinuha sa bag ang cellphone ko.

"Eh wala naman kasi akong katext" sabi ko na lamang sa kanila. Nuon ko lang nakitang halos twenty percent na lang ang battery ng cellphone ko. Ni hindi ko na nga ata alam kung kailan ko huling ginamit at hinawakan iyon.

"Grabe konting konti na lang talaga iisipin ko Alien ka na" maarteng sabi ni Kendall kaya naman muli kong ibinalik sa loob ng bag ko ang aking cellphone.

"Eh, hindi naman kasi masyadong importante" sabi ko na lamang na ikinalaki ng mata nilang dalawa at halos lumuwa na ang eye balls nila na para bang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.

Nakasunod lamang ako kina Kendall at Zafara ng kaagad kong nakita si Marco. Ngiting ngiti na ito sa akin kaya naman kaagad na lumawak ang ngiti ko sa kanya.

My Stolen Innocence ( Game of Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon