Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
"Niloloko mo nanaman ba ako?" Galit na tanong ko sa kanya.
Mabilis itong umiling tsaka siya lumapit sa akin para hawakan ang kamay ko. "Alam kong mahirap paniwalaan Tammarie...pero totoo" pagsusumamo niya sa akin.
Mabilis kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "Kung pinaglalaruan mo lang ako Zeus, itigil mo na to" banta ko pa.
Mariin siyang napapikit bago napatango tango. "I know this will happen, after everything that i've done" paos na sabi niya sa akin habang halos ang kanyang mga mata ay nagsusumamo na din.
"Gusto ko paniwalan Zeus" sabi ko sabay iwas ng tingin.
"Pero hindi ko alam kung paano" dugtong ko pa sa kanya.
Sandaling kaming natahimik pareho bago ko nanaman naramdaman ang paghila ng kanang kamay niya sa bewang ko. Hinila niya ako papalapit sa kanya at tsaka niya malayang nahalikan ang noo ko.
"Hayaan mong patunayan ko sayo" paninigurado niya sa akin.
Matapos iyon ay walang nagsalita sa pagitan naming pareho. Hinila niya lamang ako pababa sa pjp papuntang graduate school building para ihatid ako sa aking susunod na klase.
"Pa...pasok na ako" paalam ko sana sa kanya ng makarating na kami sa tapat ng classroom ko pero kaagad niya akong pinigilan ag halos manlaki ang mata ko ng pinatalikod ako nito tsaka siya may kinuha kung ano sa bag ko.
"Teka ano bang kinukuha mo" pagpigil ko sana sa kanya pero hindi siya huminto hanggang sa makita kong hawak na niya ang cellphone ko.
"Gonna save my number here" seryosong sabi niya kaya naman kaagad kong naramdaman ang paginit ng aking pisngi.
Kinuha niya ang kamay ko tsaka niya inabot sa akin ang cellphone ko na halos hindi ko na misan nahahawakan dahil wala naman akong katext ot ibang social media accounts.
"Text me after your class" sabi pa niya bago niya ako tinalikuran at tsaka umalis.
Tulala ako habang tinatanaw ko ang papalayong likuran ni Zeus. Parang bigla kong naramdaman ang paglutang dahil sa hindi malamang dahilan.
"As I was saying, cover to cover ang coverage ng finals niyo ngayon" pagpapaliwanag ng professor namin pero wala sa kanya ang aking buong atensyon.
Mahigpit kong hawak ang aking cellphone dahil sa pagkabigla sa mga nangyayari.
Gusto daw ako ni Zeus. Sabi niya gusto niya ako, yun yung matagal ko nang gustong mangyari pero hanggang ngayon ay parang hindi ko pa din maabsorb yung sinabi niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang aking dapat na maramdaman lalo na at ito ang unang beses na sinabihan niya ako ng ganuon.
"Ms. Dela Dega! Are you even paying attention?" Galit na sita sa akin ng aming lalaking professor na medyo may pagkalihis.
Napaayos ako ng upo. "Op...opo!" Natatarantang sagot ko at halos manlisik ang mga mata niya dahil sa hawak kong cellphone.
"Ilang beses ko bang sasabihin na ayokong gumagamit kayo ng cellphone sa klase ko?" Pagalit na sabi niya sa akin at paalala na din sa lahat.
"So...sorry po, Sir" paumanhin ko sa kanya pero sa hindi ko malamang dahilan ay iritang irita ito sa akin.
Napaayos tuloy ako ng pagkakasuot ng malaking salamin ko sa mata dahil sa takot sa nanlilisik nitong mata sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at halos hindi ko talaga mawari kung bakit lumalabas sa kanyang mukhang ang sobrang pagkairita.
BINABASA MO ANG
My Stolen Innocence ( Game of Love Series #2)
रोमांसMy mother once told me to marry a man that loves me more than i love him. And here comes Zeus anthony alonzo, stealing my innocence and breaking my princples.