Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
"Kaya mo ba talaga?" Nagaalalang tanong ko ng makasakay na kami pareho sa sasakyan ni Zeus.
Akay akay niya ang kanyang kaliwang balikat bago niya pinaandar ang kanyang kulay itim na sports car.
"Seatbelt mo" marahang paalala niya kaya naman mabilis kong kinabit iyon.
Ginawa ng kanang kamay niya ang lahat, ang pagkakabit ng sariling seatbelt ang paghawak sa manibela. Pinapanuod ko lamang siya habang seryoso ang mukha niyang nakatingin sa kalsada.
Sandali kaming napahinto nang medyo mag traffic sa main gate dahil halos nagsisiuwian na din ang iba. "Mas maganda siguro kung dumiretso ka na sa inyo para makapagpahinga ka" suwestyon ko sa kanya dahil kahit ako ay hindi ko din alam kung bakit ako nandito sa loob ng sasakyan niya ngayon.
"Kumain muna tayo" seryosong sabi niya sa akin habang nakasandal ang ulo sa kanyang kinauupuan.
"Pero alam ko pagod ka na, tsaka kailangan mo na muna talagang ipahinga yang kamay mo" pagpupumilit ko pa din sa kanya.
"Mag dinner muna tayo" yun pa din ang sagot niya sa akin kaya naman bumagsak na lamang ang balikat ko at mapaayos ng upo.
Bago pa man kami makalabas sa gate ng school ay halos higitin ko ang hininga ko ng matamaan ko di kalayuan si Ellise na nakatayo kasama ang ilan sa mga kaibigan niya. Nang mukhang mapansin niya ang sasakyan ni Zeus ay balak sana nitong lumapit habang sinisipat ito ng kaagad na lumiko palabas ng school at tsaka humarurot.
"Baka hinahanap ka na ni Ellise" mahinang sabi ko.
"Sinabi ko na sa kanila na uuwi na ako" sagot ni Zeus sa akin at ramdam na ramdam ko talaga ang panghihina duon, panghihina na may kasamang nararamdamang sakit.
Huminto ang sasakyan niya sa hilera ng mga restaurant sa may BGC.
"Medyo malayo to sa inyo ah" puna ko sa kanya.
"Ihahatid kita pagkatapos, hindi ako uuwi sa bahay sa condo ako" sagot niya sa akin kaya naman nanlaki ang mga mata ko.
"Pero magaalala si Tita Sofia sayo" sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.
Nagulat ako ng hilahin nito ang kaliwang kamay ko at hinila ako papasok sa isang fine dinning restaurant. Nanatili ang pagkakababa ng kaliwang kamay ni Zeus na para bang kahit galawin lamang ito ng kaunti ay hindi niya magagawa. Nakasuot lamang siya ng plain na white tshirt at faded jeans na tinernohan ng kulay itim na running shoe. Pero halos nadaraanan naming table ay napapalingon talaga sa kanya. With second look pa.
"What do you want?" Tanong niya habang nakatingin kami sa menu.
Napakagat labi ako habang nakatingin duon pero kasi naiilang ako sa mga tingin sa amin ng mga nasa kabilang mesa. Talagang pinapahalata nung apat na babaeng tinitingnan nila si Zeus.
Sa huli ay steak at pasta na lang din ang inorder ko kagaya ng kay Zeus. Pagdating nuon ay mabilis kong kinuha ang plato ni Zeus para hiwain ang steak niya. Pero nagising ako sa katotohanan ng mapansin ko ang mariin niyang panunuod sa ginagawa ko.
"Ay...ok lang ba?" Nahihiyang tanong ko pero tinasaan lamang ako nito ng kilay at tsaka tipid na tinanguan.
Nang matapos ko na iyon ay kaagad kong ibinalik sa kanya. Mahirap kasing kainin iyon lalo at isang kamay nila lang ang nagagamit niya. Maganang kumain si Zeus kahit kitang kita ko sa mukha niya ang iniindang sakit ng balikat. Malalaking subo ng pasta ang ginawa niya na para bang gutom na gutom siya.
BINABASA MO ANG
My Stolen Innocence ( Game of Love Series #2)
RomanceMy mother once told me to marry a man that loves me more than i love him. And here comes Zeus anthony alonzo, stealing my innocence and breaking my princples.