Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
Lukot na lukot na ang damit ni Zeus dahil sa aking pagkakahawak sa kanya. Makailang beses ko na din siyang nahampas at kung minsan ay nakakagat ko pa ang balikat nito dahil sa sobrang sakit ng aking sinapupunan.
"Ahh...Zeus hindi ko na kaya!" Umiiyak na hiyaw ko.
Dahil sa pagiging taranta din nito ay nasisigawan na niya ang driver. Walang nagawa ito kundi ang aluin ako at yakapin ako ng mahigpit. Hindi na niya pinapansin ang paghampas at mga pagkurot ko sa kanya sa tuwing guguhit ang sakit sa aking tiyan.
"Shh...I'm sorry baby" pag hingi niya ng tawad sa akin dahil sa sakit na nararamdaman.
Mabilis na kumilos ang mga nurse sa hospital ng salubungin kami nito. Kaagad din akong nilapitan ng doctor tsaka nito inanunsyo na manganganak na nga ako.
"I'm going with her" sabi ni Zeus dito.
Tuloy tuloy ang pagtulo ng aking luha hanggang sa dinala na ako sa delivery room. Zeus was wearing a blue lab gown at ang mga mata niya lamang ang nakikita ko.
"Natatakot ako" umiiyak na sumbong ko sa kanya.
"Nandito lang ako, hindi kita iiwan" paninigurado niya sa akin tsaka niya hinawakan ng mahigpit ang aking kamay.
Halos malagutan ako ng paghinga sa bawat oras na inuutos sa akin ng doctor na kailangan kong umire. Ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para lamang ligtas na makalabas ang baby namin. Malabo ang ilaw sa aking harapan dahil na din sa wala akong suot na salamin. Naghalo halo na ang luha at pawis sa aking mukha sa mga oras na iyon pero si Zeus ay hindi umalis sa aking tabi.
Sa bawat pag ire ay napapakapit ako ng mahigpit sa kanyang kamay na para bang pati iyon ay madudurog ko na.
"Don't bite your lips baby, don't bite your lips" malambing n utos niya sa akin dahil halos dumugo na iyon.
Ilang pag ire pa ang nagawa ko hanggang sa halos bumigay ang katawan ko sa pagod at ginhawa ng mailabas ko na ang aming anak.
Namutawi ang kanyang iyak sa aking pandinig kaya naman napapikit na lamang ako. Naramdaman ko naman ang mga paghalik ni Zeus sa aking noo.
"You made it, Tammie..." malambing na sabi niya pa sa akin at himig na himig ko ang pag garalgal ng kanyang boses.
Kinain na ako ng pagod nung mga oras na iyon kaya naman kaagad akong nakatulog.
Naalimpungatan ako galing sa isang mahabang tulog ng makarinig ako ng mga boses sa akinb paligid. Mahihina lamang iyon na para bang ingat na ingat silang magising ako.
"Kamukhang kamukha mo Zeus" pamilyar na tinig ng isang babae.
"Ako ang kamukha niyan! Ako ang Lolo" dinig kong asik ni Daddy. Kilalang kilala ko ang boses niya at hinding hindi ako magkakamali.
Unti unti kong dinilat ang aking mga mata at nakita ko ang nakatalikod na si Zeus sa akin. Nakadungaw din ito kung saan nakakumpol ang lahat. Hindi ko muna ako nagsalita tinanaw ko kung sino sino ang mga tao duon at halos tumalon ang puso ko ng makita kong kumpleto silang lahat. Kumpleto ang pamilya naming pareho.
"Zeus..." paos na tawag ko sa kanya kaya naman nagulat ito at mabilis akong nilingon.
"Tammie" pagtawag nilang lahat sa akin.
BINABASA MO ANG
My Stolen Innocence ( Game of Love Series #2)
RomanceMy mother once told me to marry a man that loves me more than i love him. And here comes Zeus anthony alonzo, stealing my innocence and breaking my princples.