Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
Natahimik kaming lahat dahil sa sinabi ni Marco. Kahit kasi anong gawin ni Zeus na pamimiga sa kanya ay wala rin naman siyang masasabi sa amin tungkol sa tunay na kalagayan ni Zafara dahil maging siya ay walang alam.
"She tried to kill herself...kasalanan naman niya eh, she pushes me away" galit na sabi ni Marco pero ramdam na ramdam ko ang pagaalala niya para kay Zaf.
Napayuko na lamang ako habang patuloy na nagiisip. Ano nga ba talaga ang problema ni Zaf. Bakit siya nagkakaganito.
Napatayo kami ng lumabas na ang doctor. Sinabi nitong wala na sa peligro ang buhay ni Zafara kaya naman kahit papaano ay nakahinga na kaming lahat ng maluwag.
"But I need to discussed something to you..." baling nito kina Tito Zach at sa kanina pa iyak ng iyak na si Tita Sofia.
Kaagad na sumama sina Tita at Tito sa doctor. Naiwan naman kaming tatlo nila Zeus at Marco sa labas ng emergency room para hintayin ang paglipat kay Zafara sa private room.
"Zaf..." mangiyak ngiyak na tawag nito sa kapatid. Ng ilabas na ito ng nurse habang nakahiga sa hospital bed at handa ng ilipat sa kanyang magiging kwarto.
Kaagad kong nilapitan si Zeus para damayan. Sa sobrang panghihina nito ay kaagad na lamang niya akong hinila at niyakap.
"Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung may nangyaring masama sa kapatid ko" nanghihinang sabi niya sa akin.
Kaagad ko siyang ginantihan ng mas mahigpit na yakap para malaman niya at maramdaman niyang hindi siya nagiisa.
"Magiging ayos lang ang lahat" pagaalo ko sa kanya at pagpapalakas na din ng loob niya.
Nang maayos na si Zafara sa kanyang private room ay pumasok na din kami. Tahimik ang lahat at walang may gustong magsalita. Dumating na din sina Kendall at Kuya Mikhael na lumabas para bumili ng maiinom.
"Bumalik na sina Tita Sofia?" Mahinang tanong niya sa akin sabay abot ng bottled water.
Napailing na lamang ako sa kanyang tanong sa akin. "Salamat" sabi ko naman pagkatanggap ko ng tubig.
Tahimik ko lang na pinagmamasdan si Zeus na nakaupo sa gilid ng hospital bed na kinahihigaan ni Zafara. Nakatitig ito sa kapatid na para bang ano mang oras ay mawawala sa kanya ito.
"Kuya Zeus..." tawag ni Kendall sa kanya sabay abot ng tubig pero inilingan niya lamang ito.
Para din akong nanghihina habang nakatingin sa nanghihinang si Zeus. Alam ko ang nararamdaman niya, ganyan din ako nuon nung nahospital si Daddy. Walang gana sa lahat ng bagay, ni ayaw kong kumain o uminom. Ang tanging gusto ko lamang gawin ay wag iwanan si Daddy.
Dahil minsan ko ng naranasan ay sinigurado kong hindi ko iiwan si Zeus sa mga panahong ganito. Hindi ko siya iiwan at iintindihin ko siya.
"Zeus anak!" Humahagulgol na pasok ni Tita Sofia na ikinagulat naming lahat.
Napatayo si Zeus at kaagad na sinalubong ng yakap si Tita sofia. "Anong problema ma?" Nagaalalang tanong nito.
Sa sobrabg pagiyak ay hindi na nakapagsalita pa si Tita kaya naman kaming lahat ay nakatingin sa hinang hinang si Tito zach. Halata sa mukha nito ang sobrang pamomorblema.
BINABASA MO ANG
My Stolen Innocence ( Game of Love Series #2)
RomanceMy mother once told me to marry a man that loves me more than i love him. And here comes Zeus anthony alonzo, stealing my innocence and breaking my princples.