Chapter 39

72.4K 2.1K 507
                                    

Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________




Nanghihina akong bumalik sa kinauupuan namin ni Marco. Dahan dahang bumagsak ang mga luha sa aking mga mata dahil sa halo halong nararamdaman. Sobrang bigat ng dibdib ko pero mabilis kong pinunasan ang mga luhang iyon.

"Gusto mong pagusapan yung problema?" Malumanay na tanong sa akin ni Marco.

Sandali kong inayos ang salamin ko sa mata na nagulo ng punasan ko ang aking mga luha.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko" paguumpisa ko.

Tahimik lamang na nakikinig sa akin si Marco. Ang mga mata nito ay diretsong nakatingin sa akin na para bang interisadong siyang pakinggan ako.

"Hindi ako maintindihan ni Zeus...pinapapili niya ako kung sila ni Zakkie o ang Daddy ko" pumiyok na sambit ko kaya naman napahagod si Marco sa aking likuran.

Pinilit kong lumunok dahil sa kung anong bagay ang humarang sa aking lalamunan.

"Hindi ko kayang pumili, pareho silang mahalaga sa akin...pamilya ko sila pareho, pero mas kailangan ako ni Daddy ngayon" dugtong na kwento ko pa sa kanya.

"Tinatakot niya akong kung hindi ako babalik kaagad sa America ay hindi ko na sila makikita pa ni Zakkie" sabi ko pa at tuluyan na talagang naiyak.

"Shhh...hindi naman siguro gagawin iyon ni Zeus sayo, ikaw pa din ang ina ng anak niya, may karapatan ka sa bata...hindi jiya kakayanin iyon kung wala ka" pagaalo sa akin ni Marco at pagpapaliwanag na din.

"That's exactly his point, kailangan nila ako duon ngayon. Pero hindi ko rin naman pwedeng iwanan ang pamilya ko ngayon...marami akong atraso sa kanila, gusto ko namang maipakita na kahit may sarili na din akong pamilya ay hindi ko sila iiwan" sagot ko kay marco.

Napaiwas ito ng tingin. "Siguro, mas mabuting makausap mo si Zeus in person...o kaya naman kung ayaw niyang malayo sayo, wala siyang choice kundi ang umuwi dito at samahan ka hanggat hindi pa maayos ang lagay ni Sir timothy" suwestyon niya pa sa akin. Tipid akong napangiti kay Marco. Hindi pa rin siya nagbabago, siya pa din ang Marco na handang makinig sa lahat ng problema ko. Ang marco na tutulungan pa din ako kahit anong mangyari. Yung taong hindi ka iiwan sa gitna ng laban.

Hindi man ako ganuong nakapagpahinga ng gabing iyon ay hindi ko pa din iniwan ang hospital. Nakabantay pa din ako kay daddy hinihintay ang pag gising niya.

"Tammie umuwi ka kaya muna" puna sa akin ni Kuya Thomas pagkadating niya. May dala dala itong pagkain.

"Ayos lang ako Kuya" sabi ko sa kanya kaya naman tiningnan na lamang ako nito at hindi na umimik pa.

Matagal kaming walang imikan hanggang siya na ang bumasag dito. "Kamusta kayo ni Zeus?" Tanong niya sa akin.

Nagkibit balikat na lamang ako. "Bakit kasi kailangan mong umalis duon ng hindi nagpapaalam sa kanya tammarie?" Tanong pa ni kuya sa akin kaya naman napalunok na lamang ako.

"Dahil ayaw niya akong payagan Kuya" giit ko sa kanya.

Napabuntong hininga ito. "Dahil yun ang utos ko sa kanya, dahil mas magiging madali para sa akin na bantayan sina Mommy at Daddy...mas madali iyon para sa akin na hindi ko na kailangang alalahanin ka dahil alam kong nasa mabuti kang kalagayan" pagpapaliwanag niya pa din sa akin.

"Kaya ko namang bantayan ang sarili ko" sabi ko dito kaya naman napapikit na lamang ito ng mariin.

"Tammarie gusto ka lang protektahan ni Zeus, ganuon din kami ni Mommy..." pagpapaliwanag niya pa sa akin.

My Stolen Innocence ( Game of Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon